Umasa sa pangako
(Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa alyas na “Black Beauty” 21 anyos at nakakahiya mang aminin, isa akong babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw. Nabuntis akong isang regular customer na may asawa na, si Rico. Nakapag-live in ako sa kanya sa pag-asang tototohanin niya ang pangakong hindi ako pababa-yaan. Pero limang buwan na kaming hindi nagkikita. at wala na rin akong pera. Ano ang gagawin ko?

Black Beauty

Dear Black Beauty,

Natangay ka sa matamis na salila ni Rico at nawa’y maging aral sa iyo ang iyong karanasan. May mga religious institutions na puwede mong lapitan.

Kasama rito ang Kaisahang Buhay Foundation na handang tumulong sa mga babaeng may problema na katulad ng sa iyo.

Pero sikapin mo ring matunton ang iresponsa-bleng lalaking may malaking pananagutan sa iyong isisilang na anak. Higit kanino man, dapat makonsensya siya upang hindi abandonahin ang ipnunla niyang buhay sa iyong sinapupunan.

Kahit pa may asawa siya, dapat niyang sagutin ang obligasyon niya sa isisilang mong sanggol.

Dr. Love

 

BEAUTY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with