Tanggapin kung ano ang kaya
(Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po si Nanding. Gusto ko lang i-share kasi medyo nanghihinayang ako sa debute ng anak ko. Hindi siya makapagpa-party sa hotel tulad ng sinabi niya sa akin mga ilang taon na ang lumipas.

Syempre bilang magulang gusto kong mapasaya ang aking anak, higit pa sa kanyang inaasahan. Pero ang lahat ng iyon ay hindi matutupad una, dahil sa pandemic.

Pangalawa, talagang hindi ko kaya ‘yung budget na inaasahan naming gastos para sa lahat.

Sana naiintindihan ako ng aking anak. Kahit gustuhin ko, hindi abot ng aking mga naiipon.

Sumasapat lang ang budget namin, nahihiya tuloy ako sa anak ko. Mabuti nga may pandemic pero ang totoo hindi ko na-meet ang nararapat.

Sana matanggap ng anak ko na simple lang talaga ang buhay namin.

Masarap din naman paminsan-minsan gagastos ka para ipagdiwang ang mga ganitong birthday na minsan lang daraanan ng ating mga mahal sa buhay.

Pero ganun pa man ay happy birthday na rin sa iyo mahal kong anak, alam kong nauunawaan mo ang ating kalagayan.

Isa lang ang surpresa ko sa kanya, nag-loan ako ng laptop para may magamit siya sa online class nila.

Maraming salamat po.

Nanding

Dear Nanding,

Gusto kong batiin ang iyong anak ng happy 18 th birthday. Dalaga na siya at may kamalayan na sa buhay.

Huwag kang ma-syadong mag-alala dahil ang mahalaga, buo ang inyong pamilya. Kung tutuusin gastos lang ang mga party-party na ganyan. Dapat medyo maging praktikal na tayo ngayon. Mahal na ang bilihin kaya dapat magtipid.

Ideal nga sana na may celebration na bongga. Pero isang araw lang iyon na ginagastusan ng malaki. Tama na laptop na lang ang iniregalo mo sa kanya. Magagamit pa niya sa kanyang pag-aaral.

Sa panahon nga-yon, hindi na dapat maging sentimental kung talaga namang wala. Dapat matuto tayong tanggapin kung ano ang kaya.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with