^

Panibugho

(Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Unang-una sa lahat ay hayaan mong batiin kita ng isang mabiyayang araw. Sana ay datnan ka ng aking sulat na nasa maayos na kalagayan.

Tawagin mo na lang akong Sandra, 24 anyos. Tatlong taon na kaming kasal nang layasan ako ng asawa kong si Senando. Ang dahilan, hindi na raw niya matiis ang aking wala sa katuwirang pagka-selosa. Totoo namang selosa ako. Tuwing dumara-ting siya nang dis oras ng gabi ay inaaway ko siya kahit sabihin niyang may tinapos siyang mahalagang bagay sa opisina.

Hanggang sa boss na niya ang tumatawag sa akin para ipagpaalam si Senando para mag-overtime. Pero hindi nawawala ang aking pagdududa. Eh, kung magkasapakat pala sila ng kanyang boss?  Hindi naputol ang pag-aaway namin. Lagi kong ini-inspeksyon ang kanyang damit, inaamoy at tinitingnan kung may marka ng lipstick. Wala naman akong makitang ebidensya.

Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Dala siguro ng malabis kong pagmamahal kay Senando kaya ako nagkakaganito.  Minsan, para patunayan niyang hindi siya nangangaliwa, nagbakasyon siya sa opisina at sinabi kunwari sa akin na nag-resign na siya para matigil na ang aking pagseselos.

Nang wala na siyang maintregang suweldo sa akin, inaaway ko pa rin siya. Sabi niya, hindi na niya alam kung saan siya lalagay kaya nagbalot siya at iniwan ako.

Sisingsisi po ako sa aking kasalanan. Ano ang gagawin ko? Isang buwan na siyang hindi umuuwi.

Sandra

Dear Sandra,

Tinuturuan ka lang ng leksyon ng mister mo para iwaksi mo na ang wala sa lugar na pagseselos. Ang panibugho kung nasa katuwiran ay normal. Pero kung nagseselos ka lang dahil sa hindi mapatunayang hinala, ito ay nagiging lason sa relasyon ninyong mag-asawa.

Alamin mo kung nasaan siya at puntahan mo para humingi ng tawad. Mangako kang magbabago na. Masipag ang iyong asawa sa pagtatrabaho kaya mapalad ka. Huwag mong hayaang mawasak ang inyong pagsasama dahil lamang sa walang batayang pagseselos.

Dr. Love

SENADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with