Dahil sa sugal
(Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang po ninyo akong Be. Aminado ako na napabayaan ko ang aking anak dahil sa sugal. Bagay na araw-araw na inirereklamo sa akin ng mister ko. Hindi na kasi ako nakontento sa buong araw, umaabot pa ng madaling araw ang aking pagsusugal. Sakto naman, laging may patay sa lugar namin. Kapag inaaya na ako ng mga kumare ko, hindi ako makatanggi.

Para sa akin noong una, libangan lang. Pero nawili na ako nang husto at lahat ng aking responsibilidad ay nabayaan ko na.

Kahit pa sa panahon ng pandemya ay tuloy pa rin ang sugal ko, tago kasi sa bahay ng kumare ko kaya hindi napapansin ng iba.

Nag-umpisa lang kami sa bingo hanggang nagpusoy na kami at kung anu-anong laro na ang inatupag namin. Halos lahat kami ay  housewife, naiiwan lang sa bahay dahil wala kaming mapaglibangan. Madalas, wala na sa isip ko kung nakakain na ba ang anak ko o kung ano na ang lagay niya. Mabuti na lang at may nagmamalasakit akong kapitbahay na nagdadala ng pagkain sa aming bahay kaya kahit paano ay may nakakain ang anak ko at kung minsan nadaratnan din ‘yun ng asawa ko.

Natauhan ako nang galit na galit na umuwi ang mister ko at dinatnang sunog na ang nakasalang na sinaing habang nakasubsob naman sa computer ang aming anak. Hindi naman siya pala sigaw kaya mas nahihiya ako sa kanya.

Pangako ko sa mister ko na titigilan ko na ang sugal. Noong una hindi siya nagagalit, ok na raw sa kanya ang sugal kaysa lumandi ako.

Pero napag-isip-isip ko na nasasayang ang oras na dapat ay ginugugol ko sa aking anak at asawa, lalo na ngayong quarantine pa. Dapat sana ay mas marami kaming oras sa isa’t isa.

Tama naman ang mister ko, kaya nga gusto ko ng tigilan ang pagsusugal ko.

Be

Dear Be,

Ok lang ang liba-ngan pero dapat ito ay kontrolado, meaning paminsan-minsan lang. Dahil kapag naging bisyo na, tiyak na magkakaprolema ka. Pangunahing epekto talaga nito ay mapapabayaan mo ang iyong pamilya.

Kung magdedesisyon ka na tigilan na ang bisyo mo, kailangan alam ng mga kumare mo para wala nang magyayaya sa’yo. Syempre matutukso ka, lalo na kung wala kang ginagawa. Kaya ang mainam, humanap ka ng makakatulong sa’yo para mas mapagbuti mo ang pagtupad sa iyong tungkulin sa iyong asawa’t anak. Sila ang priority mo at dapat nga pinaghahandaan mo pa ang mga gastusin ninyo sa bahay. Kahit alam mong malaki ang sahod ng mister mo, alalahanin mong lagi na kailangan ka ng pamilya mo bilang ilaw ng tahanan. Dala-ngin ko na panindigan mo ang hangad mo na tigilan na ang pagsusugal.

DR. LOVE

GAMBLING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with