^

Dr. Love

Ninong sa binyag ang ka-live in

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang akong Reina, 20 anyos. Itinakwil ako ng aking buong pamilya dahil umibig ako at sumama sa isang lalaking hindi ko dapat inibig.

Pati ang halos lahat ng kamag-anak ko ay mistulang isinumpa ako.

Gusto kong marinig ang sariling pananaw ninyo sa isang katulad ko na nakisama sa aking sariling ninong sa binyag. Siya po ay matalik na kaibigan ng aking daddy at matanda sa akin ng 25 taon.

Dati po akong close sa ninong ko mula nang ako’y maliit na bata. Pati ang kanyang asawa ay malapit din sa akin. Namatay sa isang aksidente si ninang at napakalaking kalungkutan ang dinanas ni ninong mula noon.

17-anyos ako noon at nag-alok si ninong sa aking daddy na papag-aralin ako sa college, bagay na tinanggap ng aking ama. Mula noon ay lalo ka-ming nagkalapit. Nararamdaman ko ang matinding dalamhati niya at pangungulila sa kanyang asawa. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Sa katagalan ay nabuo sa amin ang isang romantic relationship at nang magtapos ako ng college ay sumama akong makipag-live in sa kanya. Doon nabuo ang galit ng aking daddy sa kanyang best friend at pareho kaming itinakwil.

Ano ang dapat kong gawin ngayon para tanggapin ako at patawarin ng aking pamilya?

Reina

Dear Reina,

Una sa lahat, kung mahal mo ang iyong ninong ay huwag manatili sa pakikisama sa kanya nang walang kasal. Sa Katoliko yata ay bawal magpa-kasal ang mag-ninong o mag-ninang dahil ang mga ito’y itinuturing ng pangalawang magulang.

Hindi ko alam ang patakaran ng ibang religion kaugnay rito pero kung civil marriage ang pag-uusapan, wala akong nakikitang legal impediment.  Sa biblia ay wala ring sinasabing ‘di dapat magpakasal ang mag-ninong.

Sa ginagawa n’yo ngayon na pagsasama sa labas ng kasal, nagkakasala kayo sa Diyos.

Puwede kayong magpakasal kung iibigin ninyo pero kung paano huhupa ang galit ng iyong pamilya sa inyo ay isang bagay na ikaw ang dapat magsikap para mawala.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with