^

Dr. Love

Malas sa pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Love-me-alone. Parang wala akong swerte sa pag-ibig. Ang hirap, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagkamali na ako noong una. Asawa ang turing ko pero inasawa lang ako. Nagsama kami nang matagal. Ang buo kong akala mahal niya ako, pero sinira niya ang aking tiwala at mga pangarap.

Hindi kami kasal at may dalawa ka-ming anak. Gusto ko sanang humingi ng sustento para sa anak ko. Hindi na siya nagparamdam matapos ko siyang palayasin sa bahay namin.

Hindi na ako umaasa tungkol sa pag-ibig. Hanggang sa nakilala ko ang isang binatang sikyo sa iskul ng anak ko.

Biro-biro nung una, madalas kaming nagkakakwetuhan hanggang sa na-fall na ‘ko. Mahal ko na nga siya, pero hindi ako tanggap sa kanila. Isa raw akong kaladkarin. Hindi disenteng babae. Masakit ang ginawa nilang pagtrato sa akin.

Pero sa bago kong lover ngayon, wala akong masabi. Kaso bakit ganun, ang feeling ko maraming gusto humadlang sa amin?

Gusto ko lang ng tahimik na buhay at isang taong magmamahal sa akin. Pero malas ko talaga.

Love-me-alone

Dear Love-me-alone,

Kailangan tiba-yan mo ang iyong loob. Siguraduhin mo kay sikyo na talagang mahal ka niya. Pakiusapan mo siyang huwag ka niyang lolokohin. Kung talagang mahal ka niya, kaya ka niyang ipaglaban kahit kanino. Hindi tulad nung una mong minahal.

Walang malas o swerte sa pag-ibig, bagaman mayroon totoo at sinungaling. Ipagdasal mong tapat sa iyo ang taong minamahal mo.

Kung buo ang pag-ibig, hindi mo na kailangan ma-ngamba. Minsan hinahanap pa natin ang ating mamahalin pero ang totoo, tayo ang matatagpuan ng taong magmamahal sa atin ng tunay.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with