^

Dr. Love

Isip-bata ang siyota

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Nikko, 28 anyos. Marami na po akong naging girlfriend pero hindi ko sineryoso at madali akong makipag-break sa kanila.  Pero ngayong na-realize ko na malapit na akong tumandang binata, ipinasya kong humanap ng babaeng pakakasalan.

Nakilala ko si Loida, matangkad at napakaganda na parang beauty queen. Hindi ko alam na 18 years old lang siya dahil malaki ang bulas at mukhang 20 years old na.

Niligawan ko siya at matapos ang isang linggo ay naging kami. Ngunit sa tagal ng aming pagiging magkakilala, napansin ko na isip-bata siya dahil sa mga mannerisms niya. Pati na ang kanyang kilos ay typical teenager. Mahilig siyang kumain ng chocolate at nangungulekta pa ng mga laruan.

Madalas, hindi ako maka-relate sa kanyang ugali at sa ginagamit niyang millenial na lengguwahe. Pati mga kaibigan ko ay napapansin ito, kinakantyawan ako na kumuha raw kasi ako ng “daisy.”

Nais kong magbago ang kanyang ugali at umastang mature dahil mahal ko siya at gusto kong maging asawa siya. Ano ang dapat kong gawin para mawala ang pagkaisip-bata niya?

Nikko

Dear Nikko,

Hindi siya isip-bata. Umaasta lang siya nang naaa-yon sa kanyang edad na eighteen years such old. Kung mahal mo siya, huwag kang magmadali. Bigyan mo pa siya ng dalawang taon at siguro naman, sa pagsapit niya sa edad na beinte ay magiging more mature na ang kanyang isip.

Ipaliwanag mo rin sa kanya na sa kanyang edad, dapat nang magsimulang mag-mature ang kanyang isip.

Alam kong magbabago rin siya dahil walang nananatiling bata ang isip maliban na lang kung may kondisyon sa pag-iisip.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with