^

Dr. Love

Nawalan ng gana sa sex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bago ang lahat ay hayaan mo pong bumati ako ng isang masayang pagpupugay sa inyo, Dr. Love. Tawagin n’yo na lang akong Carmen, 42 years old, may asawa at dalawang anak.

Ang asawa kong si Ding ay 32-anyos, mas bata sa akin ng sampung taon. Problema ko po ang labis niyang hilig sa sex. Madalas, hindi siya kuntento sa minsan lang isang gabi.

Ganoon siya kahit noong unang magsama kami. Hindi nagbabago ang kanyang appetite.

Sa kabila nito, wala akong maipipintas sa kanyang katapatan at pagiging ulirang ama. Madalas niyang sabihin sa akin na ako lang ang tanging babae sa kanyang buhay.

Ako naman, kahit wala akong gana ay napipilitan akong pagbigyan siya dahil gusto kong maging mabuting asawa sa kanya.

Sa edad ko ngayon, tumigil na rin ang aking menstruation, kasabay nang pagkawala ng dati kong appetite sa sex.

Kaso, natatakot ako na pagtaksilan ng aking asawa kung ‘di ko siya pagbibigyan. Pagpayuhan mo po ako?

Carmen

Dear Carmen,

Marahil, kung hindi ka naman naiirita sa inyong pagtatalik, matangi sa pagkawala ng iyong gana, mabuting pagbigyan mo na lang siya.

Mapalad ka nga at hindi nawawala ang alab na nadarama niya para sa iyo. May mga lalaki na makalipas ang ilang panahon ay nanghihinawa na at humahanap ng ibang partner.

Kung uliran naman siyang asawa at responsable sa inyong pamilya, marahil naman ay masusuklian mo siya sa pamamagitan ng pagpapakita na appreciated mo ang most intimate part ng inyong relasyon.

Puwede rin kayong sumangguni sa doktor na maaaring makapagpayo sa inyo kung paano malulutas ang problema sa sexual aspect ng inyong relasyon.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with