^

Dr. Love

Hindi maamin ang pagkakamali

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahirap umamin sa kasalanan. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag sa misis ko na nalustay ang pondo na pampagawa ng bahay namin. Ang alam ng misis ko matatapos na ang bahay namin dahil nasimulan naman.

Nagpapadala siya ng 100K kada buwan. Noong una, maayos pa ang diskarte ko. Kapag nagpadala siya, bili agad ng mga materyales at kinakausap ko na ang mga kumpare kong gagawa.

Tukso talaga ang pera. Kapag gumagawa sila sa bahay, sa gabi nagkakasiyahan kami ng mga kumpare ko. Magdamag at natitigil ang trabaho.

Nasa 800k na ang napadala ni misis pero hindi pa rin umuusad ang gawa ng mga kum-pare ko. Mas marami pa ang inuman at sugalan namin. Kaya hayun, kinakapos tuloy ang budget. Nagtipid na nga ako ng taong gagawa, pero kapos na talaga. Wala naman akong hanapbuhay na iba, kundi ang magkarpentero rin.

Umaasa ang misis ko na pag-uwi niya sa December ay maayos na ang bahay namin. Hindi ko alam kung mangungutang ako para mabawi ang naubos kong pondo. Nagsusumbong yata ang kapatid niya, kaya mas malaki ang problema ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. Mabait naman ang misis ko, kaso parang wala akong lakas ng loob na aminin sa kanya ang ginawa ko. Eto na siguro ang kamalian na hindi ko maitatama ngayon. Sana matulu-ngan ninyo ako.

Jim Kevin

Dear Jim Kevin,

Kailangan mong harapin ang pinasok mong problema. Huwag mo nang patagalin ito. Baka lalo pang magalit sa iyo ang mi-sis mo. Huwag mong akalain na ok lang sa kanya ang lahat. Mas mainam na magpa-kumbaba ka at aminin ang mali mong ginawa. Ayaw ko sana sabihin sa iyo ito, pero dapat mature na ang mga desisyon mo.

Kung tatanungin mo ako, talagang nakakahiya ang ginawa mo pero hangga’t maaga dapat magawan mo ng paraan. Paano ka ma-ngungutang? Sino ang magbabayad noon? Hindi ba ang misis mo rin?

Naku, Jim ayaw kong isipin mong kinakampihan ko ang misis mo pero sana huwag nang mangyari ito sa inyo uli. Sana natutunan mo na ang mahalagang leksiyon mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with