^

Dr. Love

‘Ms. Booba’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal na akong sumusubaybay sa kolumn ninyo at gusto ko ring humingi ng payo mo.

Tawagin mo na lang akong Jessa at kahit 19 years old na ako, nasa senior high school pa rin ako dahil napakapurol ng aking ulo sa lahat ng subject, lalo na sa Math at English. Ang tanging asset ko ay ang artistahing itsura ko at above average na talent sa pagkanta.

Ang kaso, lagi akong binu-bully ng ibang kaklase ko at tinatawag na Ms. Booba. Naiinggit ako sa mga kaklase ko na matatalino. Nagtitiyaga naman akong mag-aral pero sadyang hindi ako matuto.

Dahil dito, iniiwasan ko na makipagkaibigan. May boyfriend ako at sinasabi niya na kahit hindi ako matalino ay mahal niya ako. Pero gusto kong maging marunong para mawala ang inferiority feelings ko.

Pagpayuhan po ninyo ako.

Jessa

Dear Jessa,

Ang bawat tao ay may kani-kaniyang katangian na kalooban ng Panginoon. Sa kaso mo, hindi ka man gifted sa academics, may kakaiba kang talento na wala sa iba. Diyan ka mag-focus at linangin mo ang ano mang kakayahan at katangian mula sa Diyos.

Huwag mong pabayaang talunin ka ng iyong feelings of inferiority. May kakayahan ka na hindi kayang gawin ng iba at hayaan mo na gumaling kang lalo sa kakayahan mo sa pag-awit.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with