^

Dr. Love

Pinagkaitang Lumigaya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bitin ako sa pagkadalaga kasi maaga akong nakapag-asawa dahil na rin sa kahirapan. Ang feeling ko, parang pinambayad ako sa utang ng mga magulang ko sa amo nilang intsik.

Lagi silang sinisingil ng kanilang amo sa pagpapaaral sa akin at sa kapatid ko. Para hindi na sila mahirapan, pilit akong binubuyo ng aking ama na gamitin ang aking angking ganda para maging girlfriend ng anak ng amo nila.

Naging matagumpay naman sila. Noong una, talagang ayaw ko. Matipuno siya at maginoo. Pero hindi pa rin maalis sa akin na hindi ko talaga siya mahal.

Sa kabila ng aming situwasyon sa mura kong edad at isipan, nagbunga ang aming pagsasama. Mas matanda siya sa aking ng apat na taon.

Hindi rin siya masaya sa akin. Kaya humantong lang sa hiwalayan ang aming pagsasama. Bukod sa akin, mayroon pa pala siyang ibang babae.

Hindi ko na pinaglaban ang aking kalagayan. Hinayaan ko na lang na magkahiwalay kami. Mas pabor sa akin dahil bayad na ang utang namin sa kanyang ama. Nakaipon ako nang sapat para makabayad sa kanila.

Nilunok ko ang lahat ng aking pride para matulungan ang aking mga magulang. Nagdadalawang-isip pa rin ako kung mag-aasawa pa ako o hindi na.

Mahal ko ang aking mga anak. Kahit hindi ko talaga nagawang mahalin nang buo ang kanilang ama. Maraming salamat po.

Dashiel

Dear Ms. Dashiel,

Isang kadakilaan ang ginawa mong pagtitiis. Alam din naman siguro ng anak ng iyong amo ang tunay mong dahilan kung bakit pumayag kang makisama sa kanya.

May awa ang Diyos sa tulad mong pinagkaitan ng kalayaang makapili at mamahalin ng totoo at buong puso. Huwag kang susuko at ipagpatuloy ang buhay sa piling ng iyong mga anak.

Hindi malinaw sa sulat mo kung kasal ka sa ama ng iyong mga anak. Sakaling tali ka sa kasal at balak na mag-asawang muli, pinakamabuti na ilagay mo sa ayos ang lahat. Tutal naman ay mayroon siya talagang mahal. Isang mabisang dailan para mawalan bisa ang kasal ‘yung pwersahan pagpapakasal at ang pagkakaroon ng ibang partner ng ama ng iyong mga anak.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with