^

Dr. Love

Ipinagapasalamat ang paggaling sa COVID-19

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin ninyo na lamang akong Tanny. Hindi ko akalain na kakapitan ako ng COVID-19. Ma-lakas ako at masasabing may healthy lifestyle, pero nung ihinatid lang namin ang tito ko na nagka-COVID-19, sumama na ang pakiramdam ko pag-uwi.

Kaya ni-require kaming magpa-test at lumabas na positive rin ako. Hindi ko problema ang pera, talagang hindi ako makapaniwala mako-confine ako. Ang hirap ng kalagayan ko sa ospital. Araw-araw dalawa lang ang iniisip ko, kung matutuluyan ako o gagaling.

Nag-aalala ang asawa ko at ang mga anak ko na baka may mag-positive pa. Kaya inilayo na nila agad ang mga anak namin. Hindi makadalaw ang aking asawa.

Hindi ko mabilang ang injection na ginagawa sa akin.  Kapag nakikita ko na ang mga nurse, kinakabahan na ako. Lalo na kapag sasabihin na ng doktor ang kondisyon ko.

Mabait at magaling ang doktor ko. Maayos siya magpaliwanag at pinagagaan ang kalooban ko.

Pero dumating na sa punto na sinabihan niya ako, na kung hindi magiging maayos ang paghinga ko, lalagyan na nila ako ng tubo. Bukod sa pisikal na hirap na nararamdaman ko, mas naghahari sa akin ang pangamba.

Pasalamat na lang talaga ako at naging maa-yos ang kalagayan ko. Maraming pasalamat sa mga nagdasal para sa aking kagalingan. Totoong mabisa ang dasal. Ngayon nakauwi na ako sa aking pamilya matapos ang ilang linggong quarantine. Mahal ako ng aking pamilya at mahal ako ng Diyos.

Tanny

Dear Tanny,

Nakaka-inspire ang ibinahagi mo. Marami ang matututong mag-ingat. Ipinagwawalang  bahala kasi ng iba ang pandemic. Sana huwag nang hintayin n gating mga kababaya na sila o ang mahal nila sa buhay ang kapitan ng virus bago makiisa sa mga hakbang-pag-iingat para hindi makasagap ng sakit.

Sa palagay ko natutunan mo ang kaha-lagahan ng sumunod sa mga paalala ng ating gobyerno, ng DOH at ng punong barangay.  Ikaw ang buhay na saksi sa tindi ng epekto ng COVID-19 sa atin.

Mainam na mas maging maingat tayo dahil mas dumarami ang nagiging kaso ng pandemic na ito. Maraming salamat muli at pagpalain ka ng Maykapal.

DR. LOVE

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with