^

Dr. Love

Multo ng nakaraan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang aking liham dahil tuwing maaalala ko ang nangyari sa unang taon ng aming pagsasama ng aking asawa ay naaalibadbaran ako sa aking sarili.

Tawagin mo na lang akong Regine, 30-anyos, may  asawa at tatlong anak.  Five years na nang maging rape victim ako ng nakababatang kapatid ng aking mister, na nagbakasyon lang sa amin.

Wala noon ang mister ko at kaming dalawa lang sa bahay.  Malaki at maskulado siya kaya wala akong nagawa kundi umiyak.  Duda ko nga,  sa  kanya ang  panganay ko’ng anak.

Siguro, niloob ng Diyos na mamatay sa road accident ang kapatid ng asawa ko, isang linggo matapos ang ginawa niya sa akin.

Matapos ang limang taon, wala pa ring alam sa nangyari ang mister ko.  Pero nakokonsensya ako.  Dapat ko ba itong sabihin sa kanya?

Regine

Dear Regine,

Minsan may mga pangyayari na mas mabuting manatiling lihim kung ito’y magbubunga ng kaguluhan sa buhay.  Hindi mo gustong maging biktima ng rape kaya wala kang kasalanan na dapat pasanin ng iyong budhi.

Matagal na ring patay ang humalay sa iyo, kaya tanging ikaw na lang ang nakakaalam sa nangyari.  Huwag mo nang hayaang mabunyag pa ito dahil kung magkagayon,  kahit patay na ang kanyang kapatid ay magtatanim ng poot ang iyong asawa sa  kanya at baka pati ang ninyong anak ay madamay.

Inuulit ko, huwag mo nang gawing pabigat sa iyong dibdib ang nakaraan dahil wala kang pagkakasala.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with