^

Dr. Love

Madaling magbago ng isip

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Galit na galit sa akin ang aking ex dahil wala pang isang buwan mula nang sagutin ko siya ay binreak ko na siya agad. Binlock ko na siya sa aking cellphone dahil inuulan niya ako ng masasakit na salita sa text.

Ako po si Girlie, 18 years old.

Kesyo, playgirl daw ako at manloloko. Pinaglalaruan ko lang daw at pinaaasa ang mga lalaking sinasagot ko.

Sa totoo lang, hindi ko siya niloko nang sinagot ko siya ng oo. Nang mga oras na iyon ay talagang feel ko na mahal ko siya.

Iyan po ang naging reputasyon ko dahil pangatlo na siya sa mga naging boyfriend ko na matapos kong sagutin ay kinalasan ko agad.

Kasi po, may mga nakikita akong manners sa kanila na hindi ko nagugustuhan at na-turn off na kaagad ako.

Napagkakamalan tuloy ako na mapaglaro sa pag-ibig.

Hindi ako playgirl, Dr. Love pero may karapatan naman akong mag-reject sa lalaki kapag may bagay akong hindi nagustuhan.

Mali po ba ang ginagawa ko?

Girlie

Dear Girlie,

Kung ganyan ang ugali mo, hindi ka dapat karakarakang nagbibitiw ng iyong matamis na “oo.”

Matuto ka sa mga nakaraan mong karanasan. Kunsabagay, bata ka pa at padalus-dalos pa ang iyong desisyon. Pero sa edad mong 18, dapat magsimula ka nang mag-mature.

Kaya huwag agad na makipagrelasyon. Kaibiganin mo munang mabuti ang mga manliligaw sa iyo para malaman mo ang mga bagay na ayaw mo sa kanila bago ka sumagot.

At heto ang tandaan mo, kung perpektong boyfriend ang hanap mo, kahit na saang lupalop ng mundo ay hindi mo ‘yun mahahanap. Kung may napuna kang mali sa ugali ng tao, sabihin mo ito sa kanya at bigyan siya ng tsansang magbago.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with