_ngayon
^

Dr. Love

Hangga’t kaya, tutulong

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin ninyo na lang akong Ms. B. Tinatanong ng biyenan ko kung kumusta na kami ng asawa ko. Nasa Pangasinan sila. Hindi naman kami makauwi dahil nga sa inabutan na kami ng lockdown, gayon din naman sa Maynila. Jeepney driver ang asawa ko. Pero nagpapadala rin siya ng pera.

Nag-aalala ang biyenan ko dahil ilang buwan nang hindi nakakalabas ang msiter ko. At hindi pa nga tapos ang hulog namin sa inutang namin jeep.

Kung hindi ako marunong magtabi ng pera,kawawa talaga ang aming kalagayan. Nakikita ko nga ang mister ko, sinasamahan niyang mamalimos ang kanyang mga kapwa driver sa kalye para lang may mapaghahatian sila sa maghapon.

Naiiyak ako, hindi sa aming kalagayan kundi sa kalagayan ng kanyang mga kasamahan. Hindi ko matiis ang mister kaya tumulong na rin ako.

Sinimulan ko ang magpa-order ng pagkain sa fb. Marami ang umo-order ng lunch at merienda sa akin. Kaya kahit paano ay nakakatulong ako sa mister ko na maitaguyod ang aming pamilya.

Salamat po.

Ms. B

Dear Ms. B,

Maraming salamat sa ibinahagi mo. Talagang nakakaawa ang kalagayan ng mga driver ng jeep ngayong panahon ng pandemic. May naitutulong man ang gobyerno pero hindi sapat sa pang-araw-araw napangangailangan.

Salamat sa malasakit mo saiyong asawa. Kailangan talaga ang magtulungan ang lahat. Mainam din at nakapag-ipon ka kung kaya may nadudulot kayo sa oras ng kagipitan.

DR. LOVE

 

 

PANGASINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with