^

Dr. Love

Umibig kay Sister Fae

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Ralf, 21-anyos. Sa aming subdivision, exercise ko na tuwing umaga ang paglalaro ng pelota sa likod ng aming simbahan na may mataas na pader. Hindi naman talaga pelota kundi walling na ang gamit ko ay tennis racket at tennis ball.

Tuwing alas-seis ng umaga, may nagdaraan lagi na tatlong madre, ang isa sa kanila ay si Sister Fae. Maganda siya at nagka-crush ako sa kanya.

Kapag naroroon ako at pumapalo ng tennis ball, lagi siyang ngumingiti sa akin kapag nagsalubong ang aming mga paningin.  Lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing ginagawa niya ‘yun.

Ngayon, simula nang mag-lockdown ay nami-miss ko si Sister Fae at ang kanyang matamis na ngiti sa akin. Dr. Love, may asawa na po ako at isang anak. Alam kong mali ang damdaming ito lalo pa’t nararamdaman ko para sa isang naglilingkod sa Diyos. Ano ang gagawin ko?

Ralf

Dear Ralf,

Tingin ko, more than admiration ang nararamdaman mo which is bordering on lust. Madre siya at ikaw naman ay may asawa kaya that is doubly morally wrong.

Kahit sa isip, puwedeng magkasala ang tao. Siguro, ang magagawa mo ay iwasan mo nang mag-walling sa lugar na ‘yun para hindi mo na siya makita. 

Isa pa, be prayerful. Reflect on the Word of God para may gabay ka sa pagtahak sa landas  na matuwid.

Ang pinakabisang paraan para makaiwas sa tukso ay iwasan ito.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

SISTER FAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with