^

Dr. Love

GCQ date

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Raymond po ng Parañaque. Marami pang bawal kahit GCQ na, kaya kakaiba ang date namin ng gf ko. Pareho kaming hindi nagkita nang matagal pero excited na ako. Kasi mahahawakan ko na ang tiyan ng gf ko. COVID-19 baby ang  nasa sinapupunan niya. Kaya nagkita kami.

Bago kami magkahiwalay noong March, nag-celebrate kami ng two year anniversary namin. Pareho naman kaming nasa wastong edad na. May trabaho naman ako.

Sa madaling salita, sa sobrang kaligayahan namin noong araw na iyon, nabuo nga ang kanyang dinadala.

Marami akong balak sa aking mag-ina. Nagkita nga kami at masayang-masaya ako. Sa SM Manila kami pumunta at kumain kami sa food center.

Kaso masamang balita ang dala ng gf ko. Ayaw daw ng mama niya na ituloy namin ang aming relasyon. Kung ipipilit daw namin, kami na ang magdesisyon at hihiwalay kami sa kanila.

Ang akala ko nga ay ipinalalaglag nila ang sanggol. Hindi naman ako papayag doon. Ayaw na ngang umuwi ng gf ko sa kanila. Ngayon po sa amin siya nakatira.

Raymond

Dear Raymond,

Kung kaya mo nang panindigan ang gf mo, bakit hindi mo ayusin ang lahat para sa inyo. Pero mainam na kausapin mong mabuti ang iyong magiging biyenan. Unahin mo na maging maayos ang iyong pakikitungo sa kanila.

Sa una lang naman aayaw ang mga magulang. Pero pagdating ng panahon, gusto rin nilang makita at maa-lagaan ang kanilang apo.

Ayusin mo rin ang inyong kasal para ma-ging maganda ang inyong pagsasama. Mainam na sa simbahan para may basbas ng Diyos. ‘Di kailangan bongga.

‘Yun lang, gawin mong maayos ang lahat dahil ikaw ang dapat magplano ng mga ito para sa iyong magiging asawa’t anak.

Paalala ko lang na mahalagang makiisa tayo sa sistema ng social distancing bilang pag-iingat hindi lang para sa’yo, kundi lalo na sa magiging mag-ina mo. Mag-enjoy kayo pero mag-iingat din sa  general community quarantine date ninyo.

Dr. Love

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with