Hindi susuko para sa minamahal
(Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Bago pa mag-lockdown may sakit na ang mister ko. Kulang siya sa potassium, ‘yung tinatawag na hypokalemia. Kaya ingat na ingat ako sa pag-aalaga sa kanya lalo na nang magsimula ang pandemya.

Tuloy naman ang check-up sa kanya ng doktor. Medyo maayos ang kalagayan niya sa ngayon.

Takot na takot ako para sa kanya dahil mas madali siyang mahawahan dahil mahina ang kanyang resistensiya.

Kung budget lang ang pag-uusapan, nahihirapan akong pagkasyahin. Mainam at marami akong napagkukunan na sideline. Hanggang sa nag-aalok na rin ako ng mga produkto online.

Hindi ko inaasahan, akala ko ok lang siya. Maghapon na naglalaro ng online games pero bigla na lang siyang tumumba. Ang buo kong akala ay tinamaan na siya ng covid.

Mabuti na lang nang ma-ECG siya ay maayos naman ang kanyang puso. Sadyang bumaba lang talaga ang kanyang potassium level.

Salamat na lang talaga na hindi kami pinababa­yaan ni Lord. Kahit hirap kami sa buhay may mga taong nagmamalasakit sa amin.

Kung ‘yung ibang mag-asawa ay nagsasawa na sa kanilang pagsasama. Ako sa kabila ng aking hirap sa mister ko, hinding-hindi ko siya pababayaan. Minsan naluluha ako kapag pinagmamasdan ko ang mister ko.

Alam kong kailangan niya ako, lalo na sa panahong ganito. Maraming salamat po sa inyo.

Mrs. Thelma

Dear Mrs. Thelma,

Maraming salamat sa iyong ibinahagi. Alam mo, ramdam ko ang hirap na nararanasan mo. Hindi lang sa materyal, kundi maging sa pisikal na kondisyon ng iyong kalooban.

Tama ka, mas higit na kailangan ng mister mo ang pagiging matatag mo sa buhay. Huwag mo siyang susukuan. Natutuwa ako sa iyong katatagan.

Ituloy mo lang ang iyong tiwala at pagkapit sa Diyos. Alam naman nating hindi nagkukulang ang kanyang biyaya, lalo na sa mga taong tapat at nagmamahal.

Ingat lang, haya­an mo lagi kong isasama sa aking mga panalangin ang ganap na kagali­ngan ng iyong asawa.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with