Huwag pilitin ang ayaw
(Pilipino Star Ngayon) - May 31, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Neighbor namin si Elmer. Guwapo at matikas at nang lumipat sa aming lugar five months ago, crush ko na siya agad.

Tawagin mo na lang akong Elma, 20 years old at isang factory worker.  Naging magkaibigan kami ni Elmer although not really close. Lalo kong hinangaan ang pagka-gentleman niya.

Hindi man lang siya nagpapahiwatig na appre­ciated niya ako kahit panay ang pa-charming ko sa kanya. Iniisip ko nga kung anong klase nang pag-aayos sa aking sarili ang dapat kong gawin para lang tapunan niya ako kahit ng kaunting atensiyon. Naliligo naman ako nang madalas, lalo pa’t sadyang mainit ang panahon ngayon.

Dr. Love, lagi ko siyang napapanaginipan. Ang sweet-sweet naming dalawa lalo na sa parte na pinananabikan ko, kapag kami ay nasa pribadong lugar na at alam mo na ang kasunod.

Tunay ang nadarama kong ligaya sa tuwing kami ay magkasama sa panaginip. Paggising ko nga sa umaga, ipinagdarasal ko na sana’y maging kami na.

Kaso, hanggang ngayon ay friends lang talaga kami. Nagngingitian lang at pakaway-kaway sa tuwing nagkakasalubong.

Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin sa aking sarili kung bakit hindi niya napapansin ang pag-e-effort ko na makita siya? Maganda naman ako at maraming manliligaw.

Minsan tuloy, napagdidiskitahan ko ang dikta ng lipunan, kung bakit ba hindi puwedeng manligaw ang babae sa lalaki?

Pagpayuhan mo ako.

Elma

Dear Elma,

Sa ganang akin, lala­ki lang ang dapat manligaw at hindi ang babae. Magiging mumurahin at napakababa ng tingin sa iyo ng lalaki kapag ikaw ang nanligaw o kahit pa ang pagpapaki­ta lang ng motibo na espesyal siya sa iyong paningin.

At kung kumagat man siya sa pang-aakit mo at patulan ka, baka ikaw ay pagsamantalahan lang. Masuwerte nga ang mga bab ae dahil sila ang pinipili.

Hindi ka man ligawan ni Elmer wala siguro siyang damdamin para sa iyo. Huwag mo siyang piliting mahalin ka dahil ang pag-ibig ay hindi nakukuha sa pilitan.

Bata ka pa naman, kaya natitiyak kong darating din ang taong magmamahal sa’yo.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with