Tuloy pa rin ang kasal
(Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Bea May. Ang buo kong akala, hindi na matutuloy ang a­ming kasal. Isang taon talaga ang ginawa naming preparation para maging maayos at memorable ang aming kasal.

Pati ang budget namin, talagang nag-ipon kami, nagtipid at nagtiis para hindi kami kapusin sa araw ng aming kasal. Simpleng buhay lang naman kami.

Nangako rin naman ang aming parents at mga ninong at ninang na gusto nilang maging successful ang aming kasal.

May 2 ang eksaktong araw ng kasal namin. Lahat ay handa na.

Simula pa lang nung November last year, inaasikaso na namin ang lahat. Target namin na bago mag-April madi-distribute na namin ang mga invitation.

Pero lahat ng mga plano namin ay biglang nabago nang pumutok ang pandemic na covid-19.

Nakiusap pa rin kami na ituloy ang aming kasal kahit may quarantine na. Mabait naman si Padre. Itinuloy na niya ang kasal. Kahit simpleng kasal ay pumayag na rin kami.

Wala na ang mga magarbong seremonya. April 15, naaksidente naman ang Papa Love ko. Habang papauwi galing sa pamimili. Nabangga ng isang kotse ang kanyang motor. Tumalsik siya at mabuti’y hindi napuruhan. Pero nabugbog ang buto niya sa hita.  Dalawang linggo ka­ming naggagamutan.

Nakakalungkot lang din kasi masyado ka­ming excited sa kasal namin, kaso may mga matinding pagsubok na talagang dumaraan sa atin. Naroon din ang panghihinayang.

Imbes na May 3 naging May 16 ang kasal namin. Medyo ika-ika pa ang Papa Love ko. Mahigpit ko siyang niyakap dahil sa kabila ng pagsubok ay naituloy rin namin ng simple ang aming kasal, kahit walang mga bisita at celebration. Ta­nging ang mga magulang lang namin at isang ninong at ninang ang naroon.

Labis ko itong ipinagpapasalamat sa Maykapal.

Bea May

Dear Bea May,

Congratulation sa inyo. Mabuhay ang bagong kasal! Alam mo, ngayon napatunayan na hindi mahalaga ang panlabas o magarbong kasal. Dahil ang importante ay magkasama kayo at naipapahayag ninyo ang tunay ninyong pagmamahal sa isa’t isa.

May mga araw namang darating pa sa ating buhay na kapag naging mabuti na ang kalagayan ng ating bansa at nawala na ang pandemic, pwede tayong bumawi at mag-celebrate.

Ingat lang lagi. Stay safe. God bless!

DR. LOVE

 

 

 

KASAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with