Lupa katapat ay lupa
(Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po si Sofia Alma, 24-anyos at nakatakdang magtapos sa kursong accountancy.

Self supporting ako dahil matanda na at walang income ang aking mga parent na ang ikinabubuhay ay ang kita ng aming sari-sari store.

Informal settler lang kami o squatter at ang payo ng mga magulang ko, sakaling maisipan kong humanap ng makakapareha sa buhay, ang hangad nila ay ang lalaki na kahit hindi mayaman pero may prinsipyo at matatag na determinasyon sa buhay para magtaguyod ng family.

Ang totoo, wala talaga sa isip ko ang mag-boyfriend hanggang sa makausap ko ang kapitbahay namin na si Crispin, 22-anyos na kargador sa palengke. Humanga ako sa magandang disposisyon niya sa buhay, na sa kabila ng kahirapan ay pinipili niya ang patas na paraan para kumita.

Unti-unti ay napapansin ko na rin ang may itsura niyang mukha at nakita ko na lang ang aking sarili na inaabangan sa araw-araw ang paglabas niya ng kanilang bahay.

Dr. Love, naramdaman kong nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Hindi naman po ako dumating sa punto na nagpakita ng motibo sa kanya, dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nagtapat siya ng feelings niya at naging boyfriend ko na nga siya.

Pero bagaman masaya ang aking puso, hindi naman maikakaila na ikinalungkot ng mga magulang ko ang pakikipagrelasyon ko kay Crispin.

Lupa na nga raw kami, tatapat pa ako sa lupa. Pero hindi naman sila tutol. Kaya lang, nalulungkot ako dahil nabigyan ko sila ng hinanakit.

Ano ang gagawin ko?

Sofia Alma

Dear Sofia Alma,

Bigyan mo ng assu­rance ang mga magulang mo na kapwa kayo magsisikap ng iyong boyfriend kapag kasal na kayo upang umunlad ang inyong buhay.

Palibhasa’y dumanas ng hirap ang iyong mga magulang kaya ayaw nilang matulad ka sa kanila. Normal lang sa magulang na alalahanin ang kapakanan ng anak.

Tutal, accountancy ang kurso mo, malaki ang kinikita ng mga accountant lalo na kung CPA. Sa kaso ng boyfriend mo, wala man siyang mataas na naabot ay masipag naman siya at magiging maganda ang inyong tambalan.

Dr. Love

SOFIA ALMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with