Minsan lang nagkita laging nasa isip
(Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Bakit ganoon? Ngayon ko lang naranasan ito. Naka-meet ako ng isang magandang babae at lagi na lang siya ang iniisip ko.

Tawagin mo na lang akong Raffy, 20-anyos. Very casual ang pagtatagpo namin ni Luisa. Sa isang birthday party ng aming common friend.

That day, January 11 ng taong ito, nakatakda na pala siyang lumipad patungong Canada para pakasalan ang kanyang Canadian citizen na boyfriend.

Sakit naman. Minsan lang ako ma-in love, nakatakda pang ikasal! Apat na buwan na ang lumipas at laging laman siya ng aking isipan. Hindi tuloy ako maka-concentrate sa aking pag-aaral. Kumukuha po ako ng law.

Sinusubukan ko siyang i-chat sa kanyang FB account pero hindi siya sumasagot.

Ano po ang maipapayo ninyo sa akin?

Raffy

Dear Raffy,

Hindi na sasagot iyon dahil nag-asawa na. Kaya itigil mo na ang iyong pantasya. Huwag kang mang-aagaw ng asawa ng iba.

Labis ka lang nagandahan marahil sa kanya kaya ngayo’y hindi mo siya makalimutan. Pero sa gusto o ayaw mo, dapat itiklop mo na ang maigsing pahinang iyan ng buhay mo at mag-move on ka na.

Hindi ako naniniwalang love ang nadarama mo dahil hindi mo pa siya kilalang-kilala. Attraction lang iyan.

After a while lilipas din iyan.

Kaya pinakamainam na ibaling mo ang iyong atensiyon sa ibang bagay o kaya’y sikapin mong pagtuunan ng mabuti ang iyong pag-aaral. Makakatulong kung luluba­yan mo na ang pagme-message sa kanya sa facebook sa kahit anumang paraan para tuluyan mo na siyang matanggal sa iyong isip.

Ang makipagkilala sa iba ay makakatulong din para makakilala ka ng iba pang mga babae na malay mo ay maging prospect mo na maging partner sa buhay.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with