Misis naging bugnutin
(Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po si Ely, isang jeepney driver na ngayon ay walang trabaho dahil hindi pa puwedeng pumasada. Sa akin po ang jeepney na minamaneho ko at mababayaran ko na sana nang buo sa susunod na taon, kundi lang nagkaroon ng pandemya sa COVID-19.

Sa ngayon ay umaasa lang kaming mag-asawa sa kaunting relief goods mula sa pamahalaan pero hanggang ngayon ay wala pa ‘yung social amelioration na inaasahan namin.

Naging mainitin ang ulo ni misis at lagi akong sinisigawan. Hindi naman siya dating ganoon. Sana naman ay nauunawaan niya na nasa krisis ang kalagayan ng lahat ngayon.

Naisip kong ipagbili na lang ang aking jeepney pero mura lang, tinatawaran dahil may balanse pang dapat bayaran.

May dalawa kaming anak na maliit pa kaya hindi namin alam ng misis ko kung paano sila bubuhayin.

Sa ngayon, nagluluto ng pagkain ang misis ko at ibinebenta tuwing tanghalian at hapunan sa mga kapitbahay. Mabenta rin naman dahil marami sa aming kapitbahay ang tamad mamalengke at magluto. Tumutubo rin siya ng P300 isang araw.

Dahil sa pagod siguro kaya mainitin ang ulo ng asawa ko. Ano ang gagawin namin?

Ely

Dear Ely,

Marami ang dumaranas ng mabigat na kahirapan ngayon. Tiis-tiis lang at makakaahon din tayo dahil walang krisis na hindi natatapos.

Magpasalamat ka kay Lord at maski papaano, nakakapagnegosyo ang asawa mo na kahit kaunti ang tubo ay naitatawid kayo araw-araw.

Huwag mong ibenta ang jeepney na pinanghahanapbuhay mo. Kapag normal na ang situwasyon, makakapasada ka na uli. Kung bangko ang pinagkakautangan mo, tiyak ko na mabibigyan ka ng kaluwagan sa pagbabayad dahil sa ganitong sitwasyon.

Dr. Love

 

BUGNUTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with