Hiniwalayan, binabalikan
(Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sobra kong mahal ang boyfriend kong si Airon. Mag-iisang taon na sana kami sa December nang bigla siyang nakipaghiwalay sa akin noong bago pa man nagkaroon ng lockdown dahil sa COVID.

Ako po si Elmie, 20-anyos.

Ayaw niyang sabihin ang dahilan. Inakala ko noon na may natagpuan na siyang iba. Mataas kasi ang pride ko. Nasaktan man ako ay hindi ko ipinahalata. Kahit mahal ko siya, ayaw kong lumaki ang ulo niya kapag nakita akong umiiyak. Kaya sinarili ko na lang ang aking pagluha sa aking silid.

Pero wala pang isang linggo ay back to normal ako. Agad nawala ang sakit sa aking dibdib.

Bigla na lang akong tumanggap ng text message mula sa kanya na nakikipagbalikan. Hindi ko pinansin ang tatlong ulit niyang text kaya tinawagan niya ako.

Sabi niya, nagkamali siya dahil nakinig siya sa tsismis na nakikipag-date ako sa iba. Nainis ako dahil hindi ako nagtaksil kailanman dahil matino akong babae. Sabi ko, hindi na ako makikipagbalikan sa kanya.

Paulit-ulit ang tawag at text niya kaya hindi ko na sinasagot. Sa totoo lang, mahal ko siya pero hindi ko gusto ang pagseselos niya na wala sa lugar.

Pagpayuhan mo ako.

Elmie

Dear Elmie,

Kung mahal mo siya, give him one more chance. Minsan, kahit wala sa lugar ay nagseselos ang isang tao dahil sa labis na pagmamahal.

Ngunit totoong ang labis na pagseselos, lalu’t walang basehan ay nagiging lason sa relasyon.

Tutal minsan pa lang nangyari iyan, patawarin mo siya at tanggapin muli. Pero sabihin mong huwag nang maulit ang wala sa lugar niyang paninibugho. Huwag siyang maniniwala sa sabi-sabi dahil may sarili siyang isip na dapat gamitin.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with