Hirap ibaba ang pride
(Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ngayon ko lang mararanasan ang manghingi ng tulong sa mama at papa ko. Dati noong wala pang quarantine, ako ang nag-aabot sa kanila, kundi groce­ries ay cash.

Contractual ang mister ko kaya no work, no pay sila. Ako naman ay isa sa mga natanggal na empleyado dahil sa kulang na ang pasahod ng company. Mag-aaplay sana ako sa ibang company kaso wala namang ma­ngangailangan ngayon. Nagtatanggalan nga.

Ayaw ko talagang humingi ng tulong kaso paano ang mga anak namin? Alam ko naman na hindi sila magagalit pero nahihirapan akong ibaba ang aking pride.

Dahil ako ang nagbibigay noon, tapos ngayon ako na ang manghihingi.

Pagpayuhan n’yo sana ako kung paano mawawala ang pag-aalinlangan kong lumapit sa aking mga magulang dahil sa pride. Maraming salamat. 

Clarisse

Dear Clarisse,

Totoong mahirap kalaban ang pride. Pero sa panahon ngayon, hindi pride ang dapat pairalin. Isipin mo ang maaaring kasadlakan ng iyong mga anak kapag hinayaan mong pigilan ka ng iyong pride. Alalaha­nin mo na hindi ‘yan mailalaman sa gutom na sikmura.

Maraming salamat po sa inyong ibinahagi. Konting tiis pa at malalampasan nating lahat ang pandemic na ito. May awa ang Diyos.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with