^

Type ang pamangkin ni misis

(Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po si Remando, 57 taong gulang at may asawa. Sumangguni ako sa iyo dahil sa hindi ko maipaliwanag na damdamin sa pamangkin ng misis ko na si Roda.

Thirty years old na si Roda at nakikipamahay sa amin dahil may trabaho siya sa Maynila. Nagkaroon siya ng live-in partner noon pero hiwalay na sila ngayon at nasa poder niya ang pitong taong anak na babae na napamahal na rin sa akin gaya ng isang anak. Sa tuwing nakikita ko si Roda ay iba ang tibok ng puso ko at may nasa akong mayakap siya at mahagkan.

Minsan ay napapansin marahil niya na madalas akong nakatingin sa kanya. Maganda kasi siya at hindi ko mapigil na sulyapan siya at kapag napatingin siya sa akin ay agad kong inaalis ang aking pagkakatitig sa kanya.

Kapag nagtatalik kami ng misis ko, siya ang laman ng aking isip at lihim kong ini-imagine na si Roda ang katalik ko.

Alam kong mali ang damdaming ito na patuloy kong sinusupil sa matagal na panahon. Ano ang dapat kong gawin?

Remando

Dear Remando,

Huwag mo nang patagalin pa at hayaang madagdagan ang araw ng pagkakasala mo sa iyong asawa. Ngayon palang ay irekomenda mo sa iyong misis na tumira sa iba ninyong kaanak o kaya’y ma­ngupahan sa mas malapit sa kanyang trabaho si Roda.

Maaaring sa ngayon ay nasa isip mo lang at nagagawang mapigilan ang pagnanasa sa kanya na kung tutuusin ay pamangkin mo na rin, pero pwedeng sa mga susunod na pagkakataon ay tuluyan ka nang matukso.

Lahat ng tao ay tinutukso ng diyablo sa ating kahinaan. Pero gaya ng halimba­wang ipinakita ng ating Pa­nginoong Jesus, mapagtatagumpayan natin ito. Hindi lang sa maagap na pagkilos kundi kasama rin ng taimtim na pananalangin at pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos.

Maituturin na matinding tinik sa pagsasama ninyong mag-asawa ang nakakatukso sa’yo na kagandahan ni Roda, kaya hangad ko na malampasan mo ito bago maging mala­king kahihiyan sa iyong sarili, sa pagsasama ninyong mag-asawa at sa buo ninyong pamil­ya. 

Dr. Love

 

 

 

MISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with