^

Dr. Love

Pinaglayo ng magulang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kapwa pa kami nag-aaral ni Siony pero may relasyon na kami. Dalawang taon pa bago kami magtapos sa kolehiyo pero nabuntis ko siya.

Tawagin mo na lang akong Rupert, 19-anyos. Magkaibigan ang mga magulang namin pero dahil sa pangyayari ay naging magkaaway sila. Ibig ng mga magulang ko na ipakasal kami ni Siony pero tumutol ang mga magulang niya.

Hindi rin sila tutol noon sa aming relasyon pero bigla na lang akong kinasuklaman dahil sa pangyayaring ‘yun.

Ipinalaglag ng mga magulang niya ang magi­ging anak namin at ipinadala sa Amerika si Siony upang doon magpatuloy ng pag-aaral.

Pareho kaming nasaktan ni Siony sa nangyari pero wala kaming nagawa. Ngayon ay nasa US na siya at ako naman ay tuliro ang isip. Kung pwede lang ma-extend pa ang walang pasok dahil talagang hindi ako makakapag-concentrate sa pag-aaral.

Ano ang dapat kong gawin?

Rupert

Dear Rupert,

Masyado kayong naging mapusok ng girlfriend mo kaya iyan ang napala ninyo. Hindi ko masisisi ang mga magulang ni Siony sa desisyong paglayuin kayo bagama’t mali na ipina-abort nila ang sanggol. Kasi naman, sinira ninyo ang kanilang tiwala. Pinapayagan na nga ang relasyon ninyo, gumawa pa kayo ng ganyang pagkakamali.

Ang payo ko, tutukan mo ang pag-aaral mo at nang makapagtapos ka.  Matapos nito, sikapin mong makasunod sa US para makasama mo uli ang girlfriend mo at magpakasal kung siya ninyong nais.

Ang lahat ng magulang ay naghahangad lamang na mapabuti ang kinabukasan ng anak kaya sila pinapag-aral.  Isang bagay iyan na dapat maunawaan ng bawat kabataan upang makaiwas sa situwasyong tulad ng naranasan ninyong magkasintahan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with