Maliit na ang kinikita
(Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Naaawa ako sa mister ko. Kasi dapat naka-schedule siyang umalis nitong March. Kaso naabutan ng lockdown. At ang huling usapan nila ng agency ay ayusin niya ang kanyang medikal. ‘Yun pa ang isang problema namin. Hindi naman siya tinamaan ng COVID-19, mahina na nga lang ang kanyang baga. Baka hindi na rin siya pumasa dahil sa medical findings niya.

Sayang lang kasi, may pinag-aaral pa kami. Marami rin naman kaming naipon kaso nauubos din kapag hindi siya nakakaalis. Ang huling alis niya ay dalawang taon na ang nakalipas.

Kahit nga isang hirit na lang pero parang hindi na mangyayari. Hindi pa naman siya nakakahanap ng trabaho rito sa Pinas. Saka maliit ang sahod. Mabuti at mayroon kaming maliit na tindahan sa bahay namin. Nakakatulong din pero hindi ganoon kalaki.

Gusto ko rin naman siyang tulungan pero may edad na rin ako. Sa pagtitinda na lang ako nakakabawi sa kanya.

Napansin ko na nagiging bugnutin at magagalitin na siya. Lagi niyang napagbubuntunan ng galit ang bunso namin. Mahilig kasi magpuyat at maglaro ng online games hanggang madaling araw, lalo nga­yong naka-quarantine kami sa bahay.  Hindi rin kami makahingi ng donation kasi ang alam ng mga kapitbahay namin OFW ang mister ko. Kaso naluluha ako kapag iniisip ko ‘yung future ng bunsong anak namin. Ayoko naman na umasa sa panganay namin dahil may asawa na rin siya. ‘Yun lang po, maraming salamat po.

Mrs. Flora

Dear Mrs. Flora,

Thank you rin sa inyong ibinahagi. Marami po talagang apektado ng pandemic. Ang mga school, business establishments at mga trabaho. Kung hindi na kaya ni mister ay huwag na ninyong paalisin papuntang abroad.

Konting tiis na lang sa bunso ninyong anak. Minsan ganon talaga kapag nakatapos na sila, hindi natin mao­obliga ang mga anak natin na tumulong. ‘Yon nga rin ang sinasabi ko sa mga anak ko. Hindi sa lahat ng oras malakas ang kita ko at ang katawan ko.

Dumarating talaga na kailangan na nating mag-retired. Anyway, huwag kang mawalan ng pag-asa. Mauunawaan ng panganay mong anak ang tunay ninyong kalagayan at tutulungan ka rin niya.

Lagi kang magdasal at magpasalamat kay Lord kahit hindi na ka­tulad noon ang blessing na natatanggap ninyo.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with