Tulong, puri ang kapalit
(Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

Dear Dr.  Love,

Mapagpalang araw sa inyo. Solong anak po ako ng mahirap na mag-asawa at ako’y iskolar sa isang unibersidad. Tanging nanay ko na lang ang nabubuhay at siya ay 59 years old na.

Tawagin mo na lang akong Rosette, 21-anyos. Nagsimula ang problema ko nang magkaroon ng sakit sa puso ang nanay ko at ang sabi ng doktor ay kakailanganin siyang operahan. Pinaghahanda ako ng dalawang milyon para sa isang heart bypass.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Lumapit ako sa isang negosyanteng kapitbahay namin para manghiram ng halaga pero agad niyang sinabi na hindi ko maibabalik sa kanya ang halagang  yaon. Pero sabi niya ibibigay na lang sa akin ang pera kapalit ng isang gabing makakapiling niya ako.

Malungkot akong umalis at ang pahabol niyang salita ay magbalik ako kung magbabago ang isip ko.

Hindi ko na alam kung kanino ako lalapit. Naiisip kong pumatol na lang sa alok niya. Ano ang maipapayo mo sa akin?

Rosette

Dear Rosette,

Huwag kang kakapit sa patalim. Maraming madudulugang ahensya ng pamahalaan ang mga mahihirap na katulad mo sa kanilang pangangailangang medikal.

Naririyan ang PCSO at PAGCOR na ang layunin ay tumulong sa mga medical needs ng mga mahihirap na pasyente. Mas bumuti pa ang sistema ngayon dahil may mga one stop shop na malalapitan sa mga ospital na kung tawagin ay Malasakit Center na doo’y may kinatawan na ang PCSO, DSWD at PAGCOR upang magproseso ng aplikasyon ng mga mahihirap na pasyente.

Isa pa, mayroon na tayong Universal Health Care sa pa­ngangasiwa ng PhilHealth upang kahit ang mga pinakanagdarahop ay mabigyan ng serbisyong medikal. Inu­ulit ko, sa mga ahensyang iyan ka dapat tumakbo at hindi sa mga mapagsamantala.

Dr. Love

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with