Nangangamba
(Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay hayaan mong batiin kita ng isang pinagpalang araw. Harinawang datnan ka ng liham ko na nasa mabuting kalagayan at malayo sa karamdaman.

Tawagin mo na lang akong Raymond at tatlong buwan pa lang kaming kasal ng asawa kong si Mila. Ordinaryong manggagawa lang ako sa isang pabrika ng sitserya at ngayo’y walang trabaho dahil sa ipinatutupad na community quarantine.

Mabait naman ang boss namin at ibinigay ang suweldo namin na kalahating buwan kahit tigil ang operasyon namin.

May tulong naman kaming natanggap mula sa gobyerno. Nagkakahalaga ito ng limang libong piso at may kasamang mga pagkain. Pareho kaming nangangamba ng misis ko dahil hindi namin alam kung hanggang kailan magtatagal ang katiting naming ipon.

Nangungupahan din lang kami sa isang maliit na silid at nangako ang nagpapaupa na libre na kami sa loob ng isang buwan. Talagang kumikilos ang Diyos sa buhay namin.

Pero dahil sa kaunti na lang ang aming cash, kapwa kami nangangamba ng asawa ko. Hindi namin batid kung hanggang kailan magtatagal ang ganitong sitwasyon. Pagpayuhan mo po ako.

Raymond

Dear Raymond,

Lahat ng tao sa buong mundo ay dumaranas ng mabigat na pagsubok. Hindi natin alam ang magaganap bukas. Dahil dito, wala tayong madudulugan kundi ang Panginoong Diyos.

Itinulot marahil ng Diyos na mangyari ito upang ang tao ay magbalik-loob sa kanya at matutong manala­ngin. Naniniwala akong pansamantala lang ang pagsubok na ito at matatapos din ang krisis.

Ikaw na rin ang nagsabing kumikilos ang Diyos sa buhay ninyong mag-asawa, kaya huwag mong hayaang mawala ang tiwala mo sa Kanya. Sa ganitong mabigat na pagsubok, huwag kayong humintong manalangin.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with