Inaway ng biyanang lalaki
(Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Pilit kaming pinagbabalikan ng biyanan kong babae. Ang misis ko ang mali tapos ako pa ang napalayas.

Nagsimula lang naman sa pambubulabog ng biyanan kong lalaki, nakita raw niya akong may kasamang babae sa isang kainan sa Bocobo d’yan malapit sa Robinson Ermita. Ilang beses na raw niya akong nakikitang may kasamang kumain doon.

Isa akong broker. Kung hindi ako kakayod wala kaming kakainin ng pamilya ko. Hindi ako arawan at sa commission lang ako kumikita. Nabubwisit ako ang aga-aga nagdadadakdak sa bahay namin.

Syempre kasama sa trabaho ko ang makipag-deal sa mga clients ko kaya halos araw-araw iba’t iba ang kausap ko.

Mabuti nga kahit may enhance quarantine ay pumayag makipagkita ang client ko. Doon lang naman siya sa gawing Robinson nakatira. Humahanap kasi siya ng bagong investment na pwedeng paupahan.

Ang sama-sama ng isip ng matandang iyon, kaya napikon ako at nakapagtaas ng boses, muntik ko na arin siyang masapak.

Nagalit tuloy ang misis ko. Kaya pinalayas ako. Doon na lang daw ako sa mga kliyente ko makitira.

Ilang araw palang naman akong wala sa bahay namin. Totoo, nakitira ako sa isang room na pinauupahan ng client ko. Habang wala pa raw umuupa ay mag-stay muna ako roon. Sorry po, talagang wala akong relasyon sa client ko at kahit maganda, biyuda na siya ay hindi ko siya papatulan.

Ang biyanan kong babae ang gumagawa ng paraan para magkasundo kami ng misis ko, kaso parang hindi ko pa rin matanggap ang biyanan kong la­laki.

Jepoy

Dear Mr. Jepoy,

Matanong lang kita, ano ba ang totoo? Anyway, kung wala ka namang itinatago ay wala kang dapat ikainis o ikagalit sa biyanan mong lalaki. Baka kailangan lang ang maa­yos na paliwanag. Isi­pin mo, siyempre ang misis mo kakampihan ang tatay niya, na hindi naman dapat.

Pero pasalamat ka sa biyanan mong babae na nakaunawa sa iyo. You need to settle things habang pwede pang maayos. Huwag mo nang hintayin pang lumaki lalo ang pagdududa nila sa’yo. Then find ways na magkaroon kayo ng bukod na tirahan.

Isa pa, alam mo namang naka-quarantine ay nakikipagkita ka pa sa client mo. Huwag sana matigas ang ulo, hindi biro ang peligro ng COVID-19. Matsambahan ka pa ng mga awtoridad ay damputin ka na lang. Sana piliin mong gawin ang tama para sa ikakaayos ng relasyon ninyong mag-asawa at ang pananatili muna sa bahay para naman sa kaligtasan n’yong lahat.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with