Nagsisisi sa pinakasalan
(Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Isang mapagpalang araw sa iyo. Sana sa gitna ng krisis na kinakaharap ng daigdig ay protektado ka at ang iyong pamilya ng Dakilang Lumikha.

Ako po si Nena, 30-anyos at may asawa. Pero sa loob ng limang taon naming pagsasama ng mister ko, hindi ko siya natutuhang mahalin. Tinutupad ko lang ang tungkulin ng isang mabuting asawa sa kanya.

May boyfriend ako noon na hindi ko nakatuluyan dahil sa maliit na bagay na aming pinag-awayan. Masyado kasi akong selosa at mataas ang pride.

Nakita ko siya na may kasamang magandang babae na naka-abresiyete sa kanya. Ni hindi man lang ako nagtanong sa kanya, basta’t hindi ko na kinausap at sinagot ko ang isang masugid na manliligaw kahit hindi ko gusto.

Kalaunan ay nalaman ko na pinsan pala niya ‘yun. Sa taas ng pride ko, kahit nagtangka siyang kausapin ako ay hindi ko na siya hinarap hanggang tuluyan siyang nawala sa akin.

Pinakasalan ko ang lalaking hindi ko mahal pero ngayon, ibig ko siyang hiwalayan pero wala akong makitang ground para sa annulment dahil mabait siya, masipag at maalaga sa pamilya. Dalawa na rin ang aming anak at mahal niya ako.

Ano ang gagawin ko?

Nena

Dear Nena,

Tama. Walang matibay na ground para ipalusaw mo ang inyong kasal. Kung siya ang magpapa-annul, may reason siya dahil ikaw ang may diprensya. Kaso, mahal ka niya at hindi niya gagawin ‘yun.

Tutal, responsableng asawa naman siya, pag-aralan mo na lang siyang mahalin. Alang-alang man lang sa inyong dalawang anak ay ipreserba mo ang inyong pagsasama.

Kung mahal mo, at least ang inyong mga anak, hindi mo hahangaring maging broken family kayo. Isipin mo na lang, kung maghihiwalay kayo, makakatagpo ka kaya ng ibang kasing uliran niya?

Dr. Love

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with