^

Dr. Love

Matandang dalaga bagets ang jowa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Sana ay huwag mo akong husgahan sa love story ko Dr. Love. Ako kasi ay 47-anyos na at ang boyfriend ko ay 22-anyos lang.

Tumanda akong dalaga dahil maaga ka­ming naulilang lubos ng aking mga kapatid. Ako ang panganay kaya ang tatlo kong kapatid ay pinag-aral ko muna.

Tawagin mo na lang akong Marife, isang negosyante ng alahas. Nang makapagtapos ng college ang mga kapatid ko, inasikaso ko naman ang aking sarili.

Tanging ballroom dancing ang nagustuhan kong gimmick kasama ang aking mga close friends na tulad ko ay old maids din.

Dito ko nakilala si Roel na isang dance instructor. Nagkaroon kami ng relasyon. Sa maniwala ka o hindi, siya ang gumagastos sa akin at hindi ako. Ayaw raw niyang isiping piniperahan ko lang siya. Mahal daw niya ako at gustong pakasalan.

Sa totoo lang, gusto ko ring magka-lifetime partner pero may mga pumupuna na hindi kami bagay.

Ano sa palagay mo?

Marife

Dear Marife,

Totoong age doesn’t matter when it comes to love. Pero I have to warn you na may mga disadvantage rin kung malaki ang agwat ng edad ng babae sa lalaki.

Marahil sa edad mo ngayon ay maganda ka pa. Pero makalipas ang sampung taon, puwedeng manguluntoy na ang balat mo at magmukhang lola ka na, pero siya ay mukhang kasibulan pa lang.

At sa ganoong situwasyon may possibility na ang na­kababatang partner na lalaki ay baka maghanap ng mas bata at sariwa. Iyan lang ang worry ko.

Ngunit kung sa tingin mo ay mahal ka ni Roel at hindi siya magbabago, go ahead. Ang desisyon ay nasa sa’yo lang.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with