^

Dr. Love

Na-appreciate na si Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko lamang magpasalamat sa misis ko. Ngayon ko lang na-appreciate ang pagod niya sa maghapon. Simula nang quarantine hindi na rin ako nakapasok dahil sa school ang trabaho ko. Minsan sinabihan ko siya kung naiinip siya sa bahay ay mag-apply siya ng trabaho kahit sideline.

Simula sa umaga pagkagising pa lang niya siya na ang naghahanda ng pagkain namin. Pagkatapos naming mag-almusal, maglilinis naman siya ng bahay.

Mamimili muna siya sa palengke dahil baka abutan siya ng cut-off. Nagsasara kasi ngayon sila ng 10am. Kapag hindi siya nakapamili,  hapon pa uli siya makakapamili.

Maya-maya kapag gising na ang mga anak namin papaliguan naman niya ang mga bulinggit naming anak. Isang five years old at isang three years old.

Magluluto naman siya ng pagkain namin sa tanghalian. Ang maganda nakatutulong ako sa kanya. Hindi naman ako makalabas dahil isa lang ang may quarantine pass sa amin.

Pagkatapos ng tanghalian, maghuhugas naman siya ng pinggan. Nakasanayan na niya kaya ayaw niya akong makialam. Manood na lang daw ako ng news sa TV o sa online.

Kung may lalabhan isusunod naman niya.  Kung wala, saka lang siya makatutulog ng tanghali kasama ng aking mga anak. Sumasabay na rin ako. Ngayon ko nararanasan ang matulog sa tanghali, madalas sa school kahit 12 noon may klase ako.

Iba ang routine sa bahay, talagang busy si misis. Kaya saludo ako sa kanya.  Para sa misis ko “mahal na mahal kita”. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa amin ng mga anak mo.

Laurence

Dear Laurence,

Una eh binabati kita sa pagkakaroon mo ng mapagmahal na asawa. Hindi lahat ng misis ay ganyan. Pero karamihan, mapagmahal sila. Congrats! Ngayon nakita mo na kapag wala ka sa bahay ninyo busy pa rin si misis.

Ang maganda natututukan niya ang mga anak ninyo. Hindi katulad ng may yaya o may nag-aalagang iba. Kung sapat naman ang sweldo mo, huwag mo na siyang pag-aaplayin sa trabaho. Mas mainam na may tumututok sa mga anak ninyo. Ang kulit ko ano?

Anyway mainam din na kahit paano ang dulot ng lockdown. Medyo nakapahinga ka at na-appreciate mo ngayon ang hirap ng asawa mo araw-araw. God bless. Ingat lang lagi at huwag nang palabasin ang inyong mga anak. Stay safe and happy.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with