^

Dr. Love

Pag-ibig na walang dangal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. love,

Nakatakda na akong ikasal sa aking boyfriend sa darating na buwan pero dahil sa lumalaganap na COVID-19, ipinagpaliban namin ito para sa susunod na taon kung bubuti na ang kalagayan ng mundo.

Tawagin mo na lang akong Annie, 25-an­yos. Natuwa ako sa postponement ng kasal namin. Ang dahilan, may itinatago akong lihim sa kanya. Ako ay may anak sa pagkadalaga na inampon ng aking pinsan.

Buong akala kasi ng fiancé ko ay virgin pa ako. ‘Yun ang sinabi ko sa kanya. Kaya naman iginalang niya ako at hindi siya nag-demand na magkaroon kami ng pre-marital sex.

Marangal siyang tao at dating semenarista kaya hindi siya tulad ng ibang lalaki. Iyan din ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya.

Natatakot ako na mawala siya sa akin. Ano ang dapat kong gawin?

Annie

Dear Annie,

Ipagtapat mo ang buong katotohanan sa kanya at humingi ng tawad sa paglinlang mo sa kanya upang papaniwalain na dalaga ka.

Sabi mo dati siyang seminarian.Siguro mauunawaan ka niya. Ngunit naririyan ang posibilidad na makipagkalas siya sa iyo sa sandaling malaman ang pagsisinungaling mo.

Ano man ang kalalabasan ng pagtatapat mo, dapat mo itong gawin dahil kung hindi, walang lihim na hindi mabubun­yag sa dakong huli. Mabuting ngayon pa lamang ay malaman na niya ang totoo upang hindi ka magsisi balang araw.

Dr. Love

 

 

vuukle comment

DANGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with