^

Dr. Love

Laki sa layaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ako lumaki sa isang pamilyang super-milyonaryo pero masasabi ko na nakakaangat naman kami at nabubuhay ng marangya.

Ako nga pala si Aimee, nag-iisang anak ng aking mga magulang. Nagtulungan ang aking ama at ina sa kanilang negosyo na kanilang napalago. Pinag-aral ako sa isang exclusive school at may sariling kotse at driver.

Senyorita ako sa bahay dahil dalawa ang aming kasambahay. Kaya hanggang makapag-asawa ako ay wala akong alam na gawaing-bahay. Third year college lang ang natapos ko at manager sa bangko ang napangasawa ko.

Medyo nahihirapan ako dahil plane housewife lang ako. May isa kaming katulong na siyang gumagawa sa lahat ng dapat gawin sa bahay. Madalas akong pagsabihan ng mister ko na mag-aral sa mga gawaing-bahay. Pero madalas, palpak ang ginagawa ko at tinatawanan na lang ito ng asawa ko. Nahihiya na ako sa kanya. Two years na kami ngayon at wala pang anak.

Pagpayuhan mo ako.

Aimee

Dear Aimee,

Kung gugustuhin mo, matututo ka. Ang problema mo ay naghahari pa rin yata sa iyo ang senyorita attitude na dapat mong baguhin.

Magpaturo ka sa iyong kasambahay ng mga bagay na ibig mong matutunan. Kung may gusto kang matutunan, ilang araw lang ay matututo ka. Iyan ay kung talagang gusto mo.

Dr. Love

vuukle comment

LAKI SA LAYAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with