^

Dr. Love

Anak ng sundalo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong anak ng sundalo. Noong una hindi ko maintindihan kung bakit laging wala sa bahay namin ang papa ko.

Medyo sumama ang loob ko kay papa kasi ang tagal bago ko siya makita sa bahay namin. Laging nagpapaliwanag si mama, ikinukweto niya na laging naa-assign sa ibang lugar si papa. Dapat daw ipagdasal ko siya lagi.

Pero ngayong 15 years old na ako. Ikinuwento na niya sa akin ang lahat. Talaga palang iniwan na kami ni papa. Kaya lang siya dumadalaw ay para magbigay ng financial niyang obligasyon sa amin.

Ipinaliwanag na rin niya kung bakit sila nagkahiwalay ng mama ko. Ayaw sa kanya ng lolo ko dahil babaero raw siya. Kaya hayun, pinanindigan na niya. Na-meet ko na ang pangalawang asawa niya at ang mga kapatid ko sa ama.

Bilin ni papa na huwag ko siyang alalahanin, basta lagi ko siyang ipagdasal lalo na kabilang silang mga sundalo sa mga frontliner para tiyaking sumusunod ang mga tao sa quarantine para hindi na kumalat ang COVID-19.

Thank you po sa pagbibigay espasyo sa sulat ko.

Sky

Dear Sky,

Maraming salamat sa iyong ibinahagi. Hindi naman lahat ng sundalo ay babaero. Sa ngayon pati ang life style nila ay dapat dissent.

Mabuti nga ang papa mo nagpapakita sa iyo at tinutulungan ka niya sa financial. May iba nga na talagang pinabayaan na ng kanilang ama.

Don’t worry. Kasama lagi sa ating prayers, ang mga magigiting na lingkod ng bayan. Alagaan mo rin ang mama mo dahil hindi madali ang maging solo parent. Ingat lagi, huwag lalabas ng bahay kung hindi kailangan.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with