Ututin si Mister
(Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Noong masugid pang nanliligaw sa akin ang aking asawa, humanga ako sa kanya dahil very neat sa katawan at magandang manamit. Batchmate ko siya sa college at crush siya ng bayan. 

Sabi ko nga noon, masuwerte ako sa kanya. Sa dinamirami ng magagandang babae sa aming school, ako ang kanyang minahal.

Pero ng makasal kami at nagsama, roon lumabas ang kanyang kapintasan. Tawagin mo na lang akong Aleli at kasal na ng tatlong taon sa aking mister.

Mabuti siyang asawa at uliran in the sense na wala siyang masamang bisyo. Hindi nambababae, hindi umiinom ni naninigarilyo. Maganda rin ang income niya bilang supervisor sa isang kompanya.

Pero may masama siyang gawi kapag nasa bahay. Utot siya ng utot. Minsan nawawalan ako ng ganang kumain dahil kahit sa hallway ay nagpapasingaw siya ng masamang hangin.

Sinabi ko na sa kanya ang kanyang kapintasan pero ang sagot lang niya ay sadyang hindi niya mapigil ito.

‘Yun lang naman ang pintas ko sa kanya na hindi naman nakakaapekto sa aking love sa kanya. May paraan ba para mawala ang bad habit na ito?

Aleli

Dear Aleli,

Maaaring may diprensya sa sikmura ang asawa mo kung kaya laging may hangin sa tiyan. Dapat mo siyang ipa-check up sa doktor at baka may kuneksyon sa puso ang hindi nawawalang kabag niya. Pero madalas, ang pag-utot ay nasa pagkaing kinukunsumo niya o dala ng bad eating habit.

Hindi ako doktor kaya sa espesyalista mo ipasuri ang iyong asawa para mabigyan ng lunas ang kabag niya.

Hindi kapintasan ang utot nang utot dahil ang flatulence ay isang karamdaman na dapat gamutin. Buti naman at nananatili ang love mo sa kanya sa kabila nito.

Dr. Love

MISTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with