May naunang magmahal
(Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Matagal ko ng kaibigan si Ganda, halos magkababata kami. Pero habang nagkakaedad kami, hindi na rin ako nakikialam masyado sa kanyang buhay.

Halos ituring na nila akong kapamilya sa kanilang bahay. Kulang na nga lang doon na ako matulog sa kanila.

Nang magka-girlfriend ako, medyo na-busy at natuon sa gf ko ang aking oras. Kaya hindi ko na napapansin si Ganda, kapag may kailangan na lang ako pumupunta sa kanila.

Minsan binibiro niya ako na ipinagpalit ko na raw siya. Pero ang turing ko lang talaga sa kanya ay parang nakababatang kapatid.

Kaya ipinakilala ko siya sa gf ko. Masaya na siya dahil mapapadalas na raw ako sa kanila. Ang akala ko wala lang sa gf ko dahil magkasundo naman sila. Minsan nga imbes na ako ang kausap ng gf ko, silang dalawa ang nag-uusap.

Pero nitong mga nakaraang araw, kinausap ako ng gf ko. Huwag na raw kaming lalagi sa bahay nila Ganda kasi kahit alam niyang mabait si Ganda sa kanya, medyo may nararamdaman siyang iba para kay Ganda.

Hindi niya matanggap na may nauna pang babae na nagmahal sa akin tulad ni Ganda. Kung sa ganda lang, mas maganda ang gf ko kaysa kay Ganda. Kaso kung tatanungin ang kalooban, mas malapit ang kalooban ko kay Ganda kaysa sa gf ko.

Siguro nga nauna si Ganda pero hindi siya para sa akin.

John

Dear John,

Kung seryoso ka talaga sa gf mo, tama lang na makinig ka sa kanya. Huwag mong alalahanin si Ganda, makakahanap din siya ng gwapo na para sa kanya.

Ipaliwanag mo rin sa gf mo na hindi siya dapat nagseselos kay Ganda, mas maganda siya at siya ang pinili mong makarelasyon.  Spend more time sa gf mo para lalo mo siyang maalagaan at mapasaya. Dito mo mapapatunayan na mahal mo talaga siya.

DR. LOVE

MAHAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with