In love sa sanggano
(Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Wala na po akong ibang mahingan ng payo kundi kayo na lamang Dr. Love, kaya naglakas-loob akong sulatan kayo sa pag-asang makakatulong kayo sa problema ng kaisa-isa kong anak na babae.

Tawagin n’yo na lang akong Disturbed Mama, 49-anyos, isang single parent sa kaisa-isa kong anak na babae na ngayo’y 20 years old na. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa kanya. Maginhawa naman ang buhay niya sa piling ko dahil malaki rin ang kinikita ko bilang realtor ng lupa at maganda kahit simple lang ang aming tahanan.

Sana ay magtatapos na siya ng kurso sa kolehiyo kung hindi nahumaling sa isang siga-siga sa aming lugar na kilalang drug addict at laging nangunguna sa mga nangyayaring gulo sa aming lugar.

Magdadalawang taon na ang kanilang relasyon. Kung minsan dalawang araw siyang mawawala ng walang paalam at ang hinala ko ay kasama niya ang kanyang kasintahang sanggano. Pinagsasabihan ko siyang putulin na ang kanyang relasyon sa lalaking ‘yon pero napakatigas ng kanyang ulo. Natatakot ako na baka siya mabuntis at lalong sasahol ang kanyang suliranin.

Hindi ako pihikan sa mapapangasawa ng aking anak pero ayaw ko namang makapag-asawa siya ng isang siga-siga na mukhang wala ng pag-asa sa buhay. Tulungan mo po ako sa pamamagitan ng iyong mahalagang payo.

Disturbed Mama

Dear Disturbed Mama,

Ang tanging magagawa mo lang bilang ina ay pangaralan ang iyong anak. Nasa legal age na kasi siya at tama man o mali ang kanyang mga desisyon, nasa sa kanya na kung susunod siya sa iyong payo o susuway.

Kung gumagamit ng droga ang kasintahan niya, baka pati siya ay natuto na rin sa masamang bisyong ito. Kung magkagayon, ipa-rehab mo siya para magbalik sa normal ang kanyang buhay.

Marahil kung notorious at adik ang kanyang boyfriend, dapat itong i-report sa mga awtoridad.

Dr. Love

ANAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with