Black belter ang Mama
(Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

 Ako po si Arabella, isang senior high school student from Vitas, Tondo. Sinabihan ko na ang bf ko na huwag na siyang pumunta sa amin dahil masesermonan lang siya at baka makarate siya ng mama ko. Pero ayaw niyang maniwala.

Ang akala niya nagbibiro ako. Sige pa rin siya sa pangungulit.

Naiintindihan ko naman siya dahil gusto niyang maging legit ang aming relationship. Ang kaso nga, matapang talaga ang mama ko.

Kapag nga nalalasing ang papa ko, nakakatikim din siya ng straight punch at roundhouse kick kay mama. Ang kulit kasi, ayaw umuwi. Kaya tuloy kinakatakutan ang mama ko sa lugar namin. Pati tuloy si papa nagtatapangtapangan na rin.

Kaya ang worry ko, baka mabanatan siya ng mga magulang ko. Black belter daw si mama, ang kwento ng mga tita ko.  Mahusay lang daw magpa-cute si papa kaya niya napasagot si mama.

Nagbabala na nga ako sa bf kaso sa kulit niya hindi ko na napigilan na hanggang sa kanto lang ng lugar namin niya ako ihatid. Sobrang kulit, sumama pa rin siya sa bahay namin.

Hindi ko alam ang gagawin dahil pagpasok ko sa bahay namin sumalubong kaagad ang bunso kong kapatid at biglang sumigaw ng “andiyan na si ate mama may kasamang manliligaw”.

Baba agad ang mama ko. Nanlaki ang  mata. Parang maghahamon ng away ang da-ting. Kaya itong bf ko biglang tumakbo papalabas. Natakot yata. Kinabukasan ayaw na niya akong kausapin. Parang na-trauma sa itsura ng mama ko. Simula nun ayaw na niya akong samahan kahit sa kanto lang  ng lugar namin.

Arabella

Dear Arabella,

Malamang na-trauma nga ang bf mo sa mama mo. Sige para maayos ang problema niya sa mama mo, ikaw muna ang kumausap sa mama mo. Ipaliwanag mo kung ano na ang kalagayan ninyo ng bf mo.

Lagi mo siyang ikukwento sa mama mo. Ipakiusap mo sa kanya na payagan kang mag-bf sa edad mo. Siguro mag-e-eighteen ka na. Senior high ka di ‘ba? Anyway, kung puma-yag siya, mas mainam kung sundin mo ang payo niya para na rin sa ikagaganda ng buhay ninyo. Tapos ipaliwanag mo naman sa bf mo kung ano ang mga sasabihin sa iyo ng mama mo. Para maalis ang takot ng bf mo sa mama mo. Sige, iha basta ma-ging lagi kang tapat sa iyong mga magulang.

Dr. Love

BLACK BELTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with