Secret relationship
(Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang po ninyo akong Almira. Ngayon ko napatunayang kaya ko palang iwanan ang boyfriend ko. Secret relationship lang ang gusto niya at pumayag naman ako. Kasi nga mahal ko siya. Wala sa isip kong hindi magiging healthy ang pagsasama namin.

Sinubukan ko lang naman na magpaligaw sa iba. Not knowing na masyadong sweet ang guy. He never ask for anything.  Hindi rin naman siya mayaman. Malambing siya at walang arte sa katawan. Hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sa kanya. Kaya ao naman ang agkaroon ng sikreto.

Nagkikita kami ng guy, kapag alam kong malayo ang destino ng bf ko.

Itong bf ko masyadong matindi ang self-confidence. Lagi niya akong itinatago sa iba. He never let anybody na malaman na mag-on kami. Lagi na lang ba akong maghihintay na ipagmalaki niya at aasang magiging kami balang araw.

Alam kong mali ang ginawa ko kaso hindi na kasi ako masaya sa sitwasyon namin. Unfair siya, lagi na lang ako naga-adjust.  Sorry po talaga, pero mahal ko na ang bago kong manliligaw.  Kinausap ko ang bf ko regarding our situation.

Kaya I decided na ako na ang magdedesisyon para sa ikaliligaya ko. Pumayag naman siya. Pero sa kabila ng kanyang galit ayhalos magmakaawa ang bf ko sa’kin.

Hindi ko na sila pinagharap at ngayon masaya ako na may bago ng bf.

Almira

Dear Almira,

Congrats sa bago mong bf. Mahirap talaga ang secret relationship, dahil maraming ibang sikretong nagaganap. Katulad ng ginawa mo. Mali talaga ang ginawa mo na magpaligaw hangga’t may karelasyon ka pa. Never do it again ha, iha.

Mas mainam ang pagmamahal na may respeto sa isa’t isa.  Ang mas mainam na ginawa mo ay kinausap mo muna ang bf mo bago ka tumanggap ng ibang guy.

Anyway, sana may natutunan ka sa iyong nakaraan. At I hope na maging maayos at maganda ang relationship mo sa bago mong bf.

DR. LOVE

 

SECRET RELATIONSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with