Hiwalay na ng kuwarto
(Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hindi pa nauuso ang divorce sa kongreso, matagal na kaming hiwalay ng mister ko. Magkasama pa rin naman kami sa bahay, pero hiwalay na ang aming kuwarto.

Hindi na kami nag-uusap. Hindi na rin kami nagkikibuan. Tanging ang dalawang anak na lang namin ang dahilan kung bakit magkasama pa rin kami sa bahay.

Wala na ang pagmamahalan namin. Naglaho na ang lahat ng magagandang araw namin na magkasama.

Minsan sumasagi pa rin sa akin ang nakaraan namin pero may pride na naghihiwalay sa amin.

Ako ang umayaw dahil sa pambababae niya. Mabait siya sa mabait pero sinungaling. Nag-uwi ba naman siya ng babae sa bahay namin na hindi ko alam. Sinabi lang sa akin ng aking mga anak. Nagkulong daw sa kwarto ang dalawa. Sakto namang nasa out of town ako.

Hindi ko kayang tanggapin at patawarin ang kanyang ginawa. Pati ang mga anak namin tinuturuan niyang maging sinungaling.

Wala na, lusaw na ang pag-ibig ko sa kanya. Galit at sama ng loob ang namumuo sa akin kapag nakikita ko siya.

Tanging sa ibabaw ng refrigerator namin kami nag-iiwan ng message. Doon na niya iniiwan ang kanyang sustento at doon din ang nagre-reply sa kanya. Ewan ko kung hanggang kelan kami tatagal ng ganito. Pero mas mabuti na ito kaysa umasa akong magi-ging tapat pa rin siya. Sana nga maaprubahan na ‘yang divorce bill na ‘yan.

Emmilyn

Dear Emmilyn,

Kung ‘yan ang desisyon ninyo ay wala namang magagawa ang ibang tao para sa inyo. Pero ang batas ng pag-ibig ang siyang pinakamataas na batas. Pag-usapan ninyong mabuti ang inyong kalagayan. Higit sa lahat ang kalagayan ng inyong mga anak.

Paano na ang pa-milya ninyo? Kung ang lahat ng mag-asawa ay hahanap ng dahilan para sila ay maghiwalay, hindi maganda ang magi-ging bunga nito sa mga anak.

Nakakalungkot lamang dahil kung ang mismong pamilya ang sira, ano pa ang pwedeng masira sa ating lipunan?

Ang batas ng diborsiyo ay taliwas sa batas ng pagpapahalaga at proteksiyon ng kasagraduhan ng pamilya.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with