Ang ‘tanga’ kong pag-ibig
(Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sabi ng mga kaibigan at kaanak ko, wala sa katinuan ang aking isip dahil umiibig ako sa isang taong iresponsable at umaasa lamang sa akin lagi para sa mga luho niya sa buhay. Tawagin mo na lang akong Cita, 35-anyos at may ka-live in na 19-anyos lang ang edad. Madalas akong biruin ng mga kaibigan ko na para kaming “mag-ina” ng lalaking pinili kong mahalin.

Si Norman ay first year college at ako ang nagtataguyod sa kanyang pag-aaral. Hindi mo naitatanong ang trabaho ko ay nag-aahente ng lupa at masuwerte naman na madalas akong makatanggap ng malaking komisyon. Ulila na akong lubos at wala akong kapatid kaya solo ko ang malaki kong kinikita.

Nakilala ko si Norman ng magkayayaan ang mga kaibigan ko na mag-ballroom dancing. Si Norman ay naging dance instructor ko. Mula noon ay nagkalapit kami at nagka-developan.

Marami akong tsismis na natatanggap na si Norman ay iba-iba ang babaeng kasama pero hindi ko ito pinapansin. Hanggang minsan ay may iniuwi siya sa aming bahay na isang magandang babaeng kasing-edad lang niya. Ipinakilala niya ako bilang “ate” niya at halos mawasak ang dibdib ko. Hindi ako nagpahalata.

Mahal na mahal ko si Norman. Pinapayuhan ako ng mga friends ko na huwag magpakatanga at ku-malas na ako sa aming relasyon. Magdadalawang taon na kami at hulog na hulog na ang damdamin ko kay Norman at hindi ko siya maaaring talikuran. Minsang tinangka kong makipagkalas sa kanya pero umiyak siya at nangakong magbabago na.

Pagpayuhan mo po ako, Dr. Love kung ano ang dapat kong gawin.

Cita

Dear Cita,

Mukhang nabubulagan ka ng matindi mong pagmamahal sa isang lalaking halos anak mo na kung tutuusin. Tama ang payo ng iyong mga kaibigan. Lubha kang nagsasakripisyo para sa ka-live in mo at ang nakikita ko ay iiwanan ka lang na luhaan at durog ang puso sa sandaling makatagpo siya ng babaeng tunay niyang mahal.

Sa ngayon, pinakikisamahan ka lang ni Norman for convenience. Habang hindi pa huli ang lahat, dapat mo na siyang kalasan and move on. 

Kung iibig ka mang muli, piliin mo ‘yung ka-edad mo at mayroong tunay na malasakit sa magiging relasyon ninyo. ‘Yung mga nagastos mo sa kanyang pag-aaral at panga-ngailangan sa buhay, ituring mo na lang na pagkakawanggawa sa taong nangangaila-ngan.

Dr. Love

 

 

 

PAG-IBIG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with