Isinumbong ang agresibong bf
(Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin ninyo na lang po akong Precious. Senior high student.  Hindi ko alam kung malaking pagkakamali ang nagawa ko sa bf ko. Hindi ko inaakala na hahantong sa malalang sitwasyon ang ginawa ko sa kanya. Sinumbong ko siya sa professor namin sa Ethics na inaaya niya akong mag-motel. Sinumbong ko siya para hindi matupad ang balak niya.

Wala lang sa akin ‘yung pagsumbong  ko. Pero ayaw ko talagang pumayag sa kanya. Naging paraan ko lang iyon para matigil siya.

Gusto ko pang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa magulang ko. Alam naman niya ang sitwasyon ng buhay namin.  Kaya gusto kong sundin ang bilin ng magulang ko.

Makulit siya, Valentine daw kaya pagbigyan ko raw siya.

Hindi ko alam na mapusok siya at nagalit ng pinagsabihan siya ng aming prof. Akala ko hindi nila seseryosohin ang pagsabi ko kay prof. Ang problema, kinausap siya. Nakita kong nagsisisigaw na ang bf ko. Inaaway na niya ang prof namin.

Nagalit din siya sa akin dahil sobrang daldal ko raw at hindi ko raw siya binigyan ng kahihiyan.

Ms. Precious

Dear Ms. Precious,

Hindi masama ang tumanggi lalo na kung hindi tama at wala sa tamang panahon ang ginawang pang-aaya sa iyo ng bf mo na mag-motel kayo. Wala ka pa sa wastong edad, iha. Alam mo na naman siguro kung ano ang gagawin ninyo roon. Alangan naman na walang mangyari sa inyong dalawa na ayaw na ayaw mong mangyari sa iyo.

Ang professor mo ay concern lang sa inyo kaya niya kinausap ang bf mo. Naku, iha! Kung laging ganon ang attitude ng bf mo, mas mainam na mag-isip isip ka muna. Ikaw na ang nagsabi na hindi ka pa handa sa mga responsibilidad.

Kung mangyaring mabuntis ka niya, paano na ang priority mo, ang pag-aaral at pamilya mo? Kung talagang mahal ka ng bf mo, gagalangin ka niya at maghihintay ng tamang panahon para sa inyong dalawa. Dapat sa mga babae ay may lakas ng loob na tumanggi sa bf nila sa mga bagay na hindi pa nararapat.

DR.LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with