Valentine’s day ang birthday
(Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Avid fan po ninyo ako. Since February ay love month, gusto ko po magpasalamat sa magagandang payo ninyo araw-araw. Wala po kayong kapaguran sa kakapayo.  Alam ko naman na hindi lahat seryoso sa buhay.

Kahit may mga namba-bash  sa inyo sa online page. Patuloy pa rin ang pagpapayo ninyo sa amin na naghahanap ng kasagutan sa problemang pag-ibig.

Napapangiti lang ako kasi Valentine ang birthday ko. 50th birthday ko na pero still single.

Kahit wala akong ka-date tuwing valentine, happy pa rin ako to spend my birthday with my kuya at sa kanyang pamilya. Medyo may edad si kuya.  Marami rin naman akong mga pamangkin sa kanya, kaya nalilibang ako kahit hindi ako nag-asawa. Gusto ko nga sana kaso hindi na yata naisilang ang babaeng makakapareha ko.

May natitipuhan ako kaso wala sa akin ang hinahanap niya—talk, dark and handsome. Matagal ko na siyang nililigawan kaso hindi talaga siguro kami para sa isa’t isa.  Lahat kabaligataran. Kaya hindi na ako umasa.

Anyway, salamat sa mga payo mo uli. More power po.  I hope makapag-selfie ako sa inyo.

Erick B.

Dear Mr. Erick,

Maraming salamat po sa inyo. Medyo matanda ka lang sa akin ng isang taon. Salamat sa mga nabanggit mo tungkol sa aking mga payo.  Nakakataba ng puso.

Kailangan na kailangan natin bilang tao ang kaibigan na nakakaunawa sa atin. Kaya marami ang humihingi ng payo. Lalo na sa mga kabataan.

Happy birthday at happy valentine’s day rin sa’yo.  Hindi lang naman sa mga mag-partner ang valentine. Ang araw ng mga puso ay araw ng lahat na marunong magmahal.  Huwag kang susuko sa nililigawan mo. Pwede mo naman siyang kaibiganin na lang muna. Baka hindi pa siya ready. Siguro kapag 60 ka na. Joke! Happy valentine at happy birthday uli sa inyo, Sir!

DR. LOVE

VALENTINE’S DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with