Nakabuntis ng pinsan
(Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Napakabigat po ng aking problema kaya naisipan kong sumulat sa inyong malaganap na kolum para humingi ng payo.

Tawagin n’yo na lang akong Roldan, 19-anyos at ang problema ko ay nagkaroon ako ng relasyon sa sarili kong first cousin. Ang pinsan ko ay matanda sa akin ng tatlong taon at lihim na lihim ang aming relasyon dahil  baka patayin kami ng aming mga magulang kapag nalaman nila ito.

Maingat kami sa pagtatalik at gumagamit ako palagi ng condom. Hanggang minsan, naisipan kong huwag gumamit nito para mas masiyahan kami. Matapos ang aming pagsisiping ay pareho kaming kinabahan na baka magdalantao siya.

At nangyari nga ang aming kinatatakutan. Sumama ang pakiramdam niya at nagsusuka kung umaga at ng mag-pregnancy test siya, positive na siya ay buntis.  Isa pang ikinatatakot namin ay baka lumabas na abnormal ang aming anak dahil malapit kaming magkamag-anak. Ano ang gagawin namin?

Roldan

Dear Roldan,

Kung minsan, dala ng kapusukan ay hindi na natin iniisip ang maaaring ibunga ng ating mga ginagawa. Pero nangyari na iyan. Pakalihim-lihim man ninyo iyan, ma-kalipas lamang ang ilang linggo ay may bubukol sa sinapupunan ng pinsan mong babae na siguradong magsisiyasat ang mga magulang niya.

Totoo ang sinabi mo na may posibilidad na magkaanak ng abnormal ang couple na magkadugo kaya isa pang bagay iyan na dapat ninyong harapin kung mangyayari man iyan.

Kaya ang pinakamabuting magagawa ninyo ay ipagtapat sa inyong mga magulang ang nangyari. Huwag mag-alala, hindi kayo papatayin ng mga magulang ninyo kundi magagalit lang sila.  Sa ganyang mga problema, kinakaila-ngan ang pagtulong ng inyong mga magulang. 

Dr. Love

BUNTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with