Naglayas si Misis
(Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Kahit wala pang divorce sa Pinas, ginusto ko ng hiwalayan ang mister ko. Dahil lagi niya akong binabaligtad. Kahit siya ang mali, ako pa rin ang kanyang sinisisi.

Nito lang isang linggo, nag-away na naman kami. Piningot niya ang tenga ko habang nagbabalat ako ng sibuyas. Sa inis ko, naisundot ko sa pwet niya ang kutsilyo. Mabuti nalang at hindi malalim ang pagkakabaon. Nabigla rin ako at ginamot ko siya.

Sa takot ko, nag-alsa balutan ako kasama ang aming anak. Ang problema naiwanan ko ang pitaka ko kaya wala kaming pamasahe.

Ang ending wala pang 24 oras ay bumalik na kami sa bahay. Tinulungan kami ng aming bara-ngay chairman para magkaayos.   

Humingi ako ng tawad sa mister ko. At dahil dun, lalo siyang nagmalaki sa akin na hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.

Yanie

Dear Yanie,

Kasama sa buhay mag-asawa ang minsan hindi pagkakasundo. Pero kung lagi na lang kayong hindi nagkakasundo, iba na ‘yun. Dapat mag-usap kayong dalawa kung ano ang pwede ninyong gawin para hindi kayo laging nag-aaway.

Hindi naman hiwalayan agad-agad ang solusyon sa problema. Kaya pag-isipan mo ng mabuti at sa tuwi-tuwina ay idalangin sa Diyos na magbago na ang mister mo at magkasundo na kayo alang-alang sa inyong pamilya

DR. LOVE

 

 

MISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with