Ang paborito ng biyenan
(Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw ang ipinaaabot kong pagbati sa inyo Dr. Love, gayundin sa lahat ng mga sumusubaybay ng iyong popular na kolum.

Ako po si Wilma, 26-anyos at may asawa’t dalawang anak.

Ang mister ko ay bunso sa apat na magkakapatid at nagtatrabaho bilang clerk sa isang kompanya. Ang panganay niyang kapatid na lalaki rin ay isang executive sa isang malaking kompanyang gumagawa ng pabango at malaki ang suweldo.

Mayaman din ang aking mother-in-law na ang hanapbuhay ay sa real estate at buy and sell ng kung anu-anong bagay. Isang taon ng patay ang biyenan kong lalaki. Sa kabila ng pagiging mayaman ng pa-nganay kong bayaw, lagi itong dumudulog sa biyenan ko para humingi ng pera sa kung anu-anong dahilan. Open naman palagi ang biyenan ko na magbigay ng pera sa kanyang mahal na panganay.

Okey lang sana iyon para sa akin. Pero minsang kami ang humingi ng tulong sa mother-in-law ko  dahil sa pagkakaopera sa apendisitis ng aming anak, nagbigay nga siya pero may kasamang masasakit na salita. Ganyan din siya sa iba niyang mga anak na animo’y ang panganay lang ang tanging anak niya.

Paborito ng biyenan ko ang kanyang panganay samantalang ang bunso ay wala siyang ipinakikitang pagmamalasakit at pagmamahal. Minsan, nagrerebelde ang kalooban ng mister ko at ayaw ng dumalaw sa aking in-law. Pero pinapayuhan ko siya na huwag gawin ‘yon dahil ang ina ay ina at ito’y isang bagay na hindi mababago.

Sa totoo lang, kahit ako’y naghihimagsik na ang kalooban. Ano ang dapat naming gawin na mag-asawa?

Wilma

Dear Wilma,

Nakakalungkot pero katotohanan iyan. May mga magulang na may paboritong anak sa halip na pantay-pantay ang pagtrato sa mga supling.

Mahirap baguhin ang ganyang ugali ng ina kaya ang dapat ninyong gawin ay magsikap sa inyong mga sariling kakayahan para umasenso, ngunit huwag na huwag ninyong kasusuklaman ang inyong mga magulang. Malay n’yo, baka niloob iyan ng Diyos para magsilbing hamon sa inyong mag-asawa para lalong magsumikap at marating ang tugatog ng tagumpay.

Bilang isang asawa, tumulong ka sa iyong mister sa paghahanapbuhay. Hindi mo kailangang mamasukan pero puwede kang magnegosyo lalo na sa panahon ngayon na kahit nasa bahay ka lang ay maaari kang magnegosyo sa pamamagitan ng on-line business.

Sabi nga, ang Diyos ay may espesyal na pagtingin sa mga taong naaapi. Huwag kayong kakapusin sa pananampalataya sa kanya dahil siya ang isang Magulang na hindi nag-aabandona sa kanyang mga anak.

Dr. Love

 

 

 

BYENAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with