Sa alok na kasal, oo o hindi?
(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay ang aking pangungumusta sa inyo at panalanging nasa mabuti kayong kalagayan. Napilitan akong sumulat para magpa-advice sa mabigat kong problema.

Tawagin n’yo na lang akong Cynthia, 25-anyos, may asawa at isang OFW. Napilitan akong magtrabaho sa abroad dahil sa katamaran ng aking mister na ang inaasahan ay ang maliit kong suweldo sa pabrika. Apat na taon na kaming kasal at ako lang ang nag-iisang bread winner sa amin.

Kaya nag-abroad ako at iniri-remit ko ang aking sahod sa aking ina na siyang namamahala sa mga gastusin sa bahay pati na sa pag-aaral ng kaisa-isa naming anak. Biyuda na ang aking ina at ang pamilya ko ay nakatira sa aming family house.

Nagdamdam ang mister ko kaya siya naglayas. Sabi ni Inay, dahil wala akong tiwala sa kanya ay napilitan na lang siyang umalis. Balita ko ay may iba na siyang kinakasama. Hindi naman ako masisisi siguro, mawala man ang tiwala ko sa kanya.

Ako naman ay may nakilalang Chinese suitor dito sa Hongkong na mabait at isang negosyante. Inalok niya ako ng kasal. Alam niyang may asawa akong iresponsable at handa raw niyang punuan ang ano mang pagkukulang nito.

Tutal ay nagkalabuan na kami ng aking asawa, okay po bang tanggapin ang alok niya sa aking kasal?

Cynthia

Dear Cynthia,

Hindi ka pwedeng ikasal habang may bisa ang kasal mo sa iyong asawa. Kaya ang unang bagay na dapat mong gawin ay magharap sa korte ng annulment para malusaw ang una mong kasal.

Sa palagay ko ay sapat na ground ang pagiging tamad at iresponsable ng iyong asawa na hiwalay na sa’yo at may iba ng babaeng kinakasama. Pero huwag ka munang makipagrelasyon sa Chinese na nakilala mo at baka gawing kaso iyan ng iyong asawa laban sa iyo.

Dr. Love

KASAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with